^

PSN Showbiz

Aktor sinisikreto ang kinikita sa misis, sa pamilya idinidiretso!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nu’n palang nagsasama pa ang sikat na mag-asawa ay kakaiba ang naging takbo ng kanilang relasyon. Pati sa kanilang kinikita bilang mga artista, ayon sa aming mga impormante, ay hindi naging parehas ang laban.

Ang kinikita ng babae ay lantad, hindi niya itinatago, samantalang ang lalaki naman ay maraming alas na hindi nito sinasabi sa kanyang misis.

Kuwento ng isang source na nakakaalam ng kuwento, “Ibang klase ‘yung lalaki. Para sa kanilang dalawa ang kinikita ng girl, pero siya, konti lang ang isine-share niya, mas malaki ang itinatago niya.

“E, sa liit ba naman ng mundo ng showbiz, e, maitatago niya nang habampanahon ang mga bagay-bagay? Tumatanggap siya nu’n ng mga shows sa malalayong probinsiya na hindi niya ipinaaalam sa misis niya.

“Kunwari, may show siyang tinanggap sa bandang South, hindi niya ‘yun sinasabi sa wife niya, ang sasabihin lang niya, e, may outing silang magkakaibigan, pero babalik din siya kinabukasan.

“Hindi problema ang isusuot ng aktor, meron na siyang mga damit sa bahay ng family niya, du’n na lang siya kumukuha ng pampormang isusuot niya sa show.

“Ang girl naman, e, paniwalang-paniwala na nasa outing nga ang husband niya kasama ang mga kaibigan, pero ang totoo, e, nasa isang provincial show siya na may malaki siyang talent fee, hindi niya inire-report ‘yun sa babae,” tawa nang tawang kuwento ng nasabing source.

Ganu’n kagaling sa pagtatago ng pera ang male personality, kayang-kaya nitong mag-imbento ng mga istorya, mapaniwala lang nito ang kanyang misis at para maitago na rin ang kanyang kinikita.

“Pero napakaliit nga ng showbiz, di ba? Sa pagkukuwentuhan ng girl at ng mga kaibigan niya, e, may nagsabi, ‘Uy, your husband was with us last week, nag-show kami sa ganyan at ganito!’

“Palaging ganu’n, kaya nu’ng minsang napuno na ang girl, e, sinabi niya sa husband niya, ‘Alam mo, there’s nothing wrong with accepting shows, just tell me, hindi ko naman kukunin ang talent fee mo! But hiding it to me is another issue!’

“Buking ang male personality na araw-gabing magaling humawak ng datung! Naku, marami pang mga kuwento ‘yun ng pagtatago niya ng datung sa wife niya!

“Ibang klase siya pagdating sa pera, sa totoo lang! Share sila sa kinikita ng wife niya, pero ibinubulsa niya naman ang mga kinikita niya, ibinibigay niya sa pamilya niya!” napapailing pang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Libro ni Jake Zyrus lalong pinag-interesan sa away nila ng nanay

Sa October 5 pala ilalabas ni Charice Pempengco na Jake Zyrus na ngayon ang isinulat niyang libro. May mga nakasama siyang magbuo ng nilalaman ng libro pero ang lahat ng ideya ay galing mismo kay Jake Zyrus.

Maraming nagagalit sa magaling na singer, wala raw siyang utang na loob, dahil tinawag niyang evil queen ang ina niyang si Raquel.

Pero ayon naman sa kanyang manager na si Carl ay hindi puro kanegahan ang nilalaman ng librong Mommy Dearest, nandu’n din ang mga bahaging tumatanaw siya ng utang na loob sa kanyang pamilya, nakasaad din du’n ang pagmamahal ni Jake Zyrus sa kanyang ina at lola na nakasama niya sa pagbiyahe tungo sa kanyang mga pangarap.

Pero kailangang magpakatotoo ni Jake sa paglalahad ng kanyang kuwento, nandu’n din siyempre ang mga panahong nagkakabanggaan silang mag-ina, hindi puro kuwento ng glorya ang nakasaad sa libro.

Hindi ito ang unang pagkakataon na kinokontra ni Raquel ang mga ginagawa ni Jake. Nang ipalabas sa MMK ang kuwento ng kanyang buhay ay galit na galit din ang kanyang ina dahil pinalabas daw itong kontrabida sa daloy ng istorya.

Blacksheep daw si Jake Zyrus, sabi pa ni Raquel, wala raw utang na loob ang kanyang anak dahil kinaya silang talikuran ni Jake nang makisama siya sa kanyang karelasyong singer din.

Masalimuot ang kuwento ng buhay ni Charice Pempengco na naging Jake Zyrus dahil sa pagsunod sa kanyang kaligayahan. Sa kung ano ang kanyang nararamdaman. Sa kung ano ang tunay niyang kasarian.

Gusto naming mabasa nang buung-buo ang libro ni Jake Zyrus para malaman namin kung ano ba ang totoong nararamdaman niya bilang anak.

Totoo bang ginawa siyang alipin ng kanyang ina? Totoo bang para siyang kalabaw na isiningkaw sa pagtatrabaho ng kanyang mommy para sa mga personal nitong interes?

Karapat-dapat bang tawaging mommy dearest ni Jake Zyrus ang kanyang ina?

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with