^

PSN Showbiz

John bilib sa pagiging direktor ni Coco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
John bilib sa pagiging direktor ni Coco
Coco t John

Aminado si John Prats na malaki ang paghanga niya kay Coco Martin sa pagiging isang aktor at director nito.

Magkasama ang dalawa sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano kaya talagang nasasaksihan ni John kung paano magtrabaho si Coco. “Si Coco kasi nagdi-direk ng isang unit and most of the time, ako ‘yung nasa unit niya. Ngayon collaboration kami like ‘pag may mga big scenes, like ‘yung sa Presidente nga, tulungan eh. Ang maganda sa Ang Probinsyano, tulungan eh. Hindi ‘yung papasok, taping, uwi. Concerned silang lahat sa craft nila like si Senator Lito Lapid, siya ang stunt director namin. May kanya-kanya kaming role,” kwento ni John.

Bilang baguhang direktor ang aktor ay marami umanong natututunan si John mula sa istilo ng pagtatrabaho ni Coco. “Alam niya kung saan papunta, linya mo ito, sabihin mo ito. Alam niya kung saan papunta ang character. And I’m learning siguro when it comes to directing for film or TV from him,” pagtatapat ni John.

Samantala, mamayang gabi na gaganapin ang 15th anniversary concert ni Erik Santos sa MOA arena na ididirek ni John. Isang malaking karangalan para sa aktor na mapagkatiwalaang gawin ang isang malaking concert tulad nito. “Para magtiwala sa isang first time director din, sobrang risk for them. And na-appreciate ko na pumayag sila to do that concert. Gusto ko lang makapagdirek ng concert,” pagtatapos ni John.

Carlo inamin ang bonding ng nanay at ni Angelica

Mainit na pinag-usapan kamakailan ang tungkol sa pagdalaw ni Carlo Aquino kasama ang mga magulang sa bahay ni Angelica Panganiban. 

Ayon sa aktor ay kinuha lamang nila sa bahay ng dalaga ang alagang pusa na pansamantalang naiwan kay Angelica noon. “Parents ko ang nagsundo sa akin sa airport. Sinama ko na sila (papunta kina Angelica), eh hindi pa nila nakikita ang bahay ni Angge,” nakangiting bungad ni Carlo.

Nakapag-bonding umano ng ilang oras si Carlo at mga magulang kasama ang aktres ng mga sanda­ling iyon. “Kwentuhan lang tapos pinakita ni Angge kung gaano kalaki ang bahay niya. Siyempre masaya kasi hindi ko pa nga nadadalaw si Tita Annabelle (ina ni Angelica). Balak ko rin gawin ‘yon, ang tagal ko na siya na hindi napupuntahan,” kwento pa ng aktor. Samantala, sa Miyerkules ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang Exes Baggage na pinagbibidahan nina Angelica at Carlo.

Maraming mga tagahanga ng tambalan ng dalawa ang humihiling na magkabalikan sila bilang magkasintahan sa totoong buhay. “Kinukwento sa akin ni Angge ang mga comments na basta magkabalikan lang kayo hindi na kami magla-lovelife. Pero ini-enjoy lang namin ang kung ano ang meron kami ngayon,” makahulugang pahayag ni Carlo.

vuukle comment

COCO MARTIN

JOHN PRATS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with