^

PSN Showbiz

User na aktres nabuko negosyante ang style

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Matagal nang gustung-gustong makilala nang personal ng isang milyonar­yong negosyante ang isang maganda pero hindi na gaanong kabataang aktres. Napakalakas ng dating ng female personality para sa businessman.

?Meron nang taong pumoporma na puwedeng magpakilala sa manganga­lakal sa magandang aktres, pero hindi natuloy ang plano, nagkaroon ng mga problema.

?Kuwento ng aming source, “Kamalas naman ng female personality na ‘yun, pera na, naging bato pa! Magkikita na sana sila, ilang araw na lang ang kaila­ngang hintayin, pero nagbago ang isip ng guy.

?“Kung bakit naman may nang-imbita sa businessman na mag-attend sa party ng isang aalis na nilang kaibigan papunta sa ibang bansa. Kailangang nandu’n siya, sila-silang magkakaibigan lang na puro negosyante ang magkakasama.

?“Napag-usapan ang girl sa umpukan, napaka­raming nalamang kuwento ng milyonaryong businessman, dumaan na pala ang female personality sa mga kamay ng iba nilang kaibigan.

?“At ang pinakamatindi, nalaman nu’ng millionaire businessman ang nangyari sa mga kaibigan nilang nakarelasyon ng girl. Talo! Ipinaglihi raw kasi sa manggang hinog, as in, user ang girl!” simulang kuwento ng aming impormante.

?Maganda kuno ang mga plano ng female personality, puro business ang nasa kanyang utak, pero wala siyang sapat na puhunan. Du’n na siyempre papasok ang karelasyon niyang madatung.

?Patuloy ng aming source, “Kung anu-anong negosyo na ang pinasok ng babaeng ‘yun! May spa, may beauty clinic, may restaurant at iba pang mga negosyong maganda ang takbo sa una, pero sa bandang huli, e, luging-lugi na!

?“Wala naman kasi siyang pakialam sa mga itinatayo niyang negosyo, mahusay lang siya sa una, pero kapag nakatayo na, e, hindi niya naman inaasikaso. Kasi nga, e, hindi niya naman pinaghihirapan ang ipinupuhunan niya.

“Kasi nga, e, galing lang naman ‘yun sa mga madadatung niyang naka­karelasyon. Siyempre, nakakahalata rin naman ang mga lalaki, di ba? So, ang ending, hinihiwalayan na siya!

“Hindi na itinuloy nu’ng milyonar­yong negosyante ang plano niyang makilala ang female personality. Mahirap na raw, baka masayang lang ang perang pinaghirapan niya, kaya nara­ting niya ang position niya ngayon.

“Wala raw naman siyang mina ng ginto na puwede niyang paghukayan ng kayamanan sa lahat ng panahon, nagtiyaga siya at nagsikap,” napapai­ling na kuwento ng aming source.

?Ubos!

‘Di raw deserve si Daniel, Kathryn tinawag na demonyita ni Athena

Sa interes ng pagiging parehas ay ila­labas namin ngayon sa kolum na ito ang mga hawak na ebidensiya ng mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo tungkol sa mga diumano’y posts ni Athena Gana kaya bina-bash siya ngayon ng mga tagasuporta ng sikat na loveteam.

?Wala siyang binanggit na pangalan sa kanyang mga tweets, pero meron siyang pinatutungkulan, madiing akusasyon ng mga KathNiel fans.

?Sabi ng isang post na napatuna­yan ng mga tagahanga ng KathNiel na account talaga ni Athena, “It really does and what makes it weird is that he has a demonic girlfriend that we all hate, HE DOESN’T DESERVE.”

?Marami pang ibang tweets na inilabas si Athena, childhood friend ang tawag niya kay Daniel, ikinum­para ng mga fans ang account ng dalaga ngayon sa mga dati niyang tweets at napatunayan ng mga ito na iisang account lang ang naglabas ng mga ‘yun.

?Du’n na naghuramentado ang KathNiel, galit na galit sila sa pagtawag ng demonic girlfriend ni Athena kay Kathryn, binulabog ng grupo ang childhood friend ni Daniel.

?Du’n na rin nag-ugat ang pagdududang malaki ang pagkagusto ni Athena sa kanyang kaibigan, pero nand’yan na nga si Kathryn na limang taon nang karelasyon ng heartthrob, naiipit ngayon si Daniel sa pagitan ng kanyang kaibigan at karelasyon.

?Sana’y maayos din agad ang isyung ito dahil sayang naman ang pundasyon ng pagkakaibigan nina Daniel at Athena at ang masaya nilang relasyon ni Kathryn Bernardo.

?Patas na ang paglalahad namin sa isyu.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with