Maine may hang-over sa Miss Granny

Maine

Thank you nang thank you ang fans ni Sarah Geronimo kay Maine Mendoza matapos na kumalat ang video na nagkukuwento si Maine na limang araw siyang na LSS (last song syndrome) sa OST (official sound track) ng pelikulang Miss Granny.

Yup, as in for ilang days daw na ‘yun ang kinakanta-kanta at pinakikinggan niya, kuwento ni Maine habang nagsu-shooting para sa isa niyang endorsement.

Kaya naman ang fans ni Sarah G. na balitang nasa Europe kasama ang boyfriend na si Matteo Guidicelli, walang tigil sa pag-thank you at pag-retweet sa video ni Maine.

Nasa ika-fourth week na ang Miss Granny pero nasa ibang mga sinehan pa raw ito.

Show comments