^

PSN Showbiz

Anne nakialam na sa problema ng inflation rate

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Anne nakialam na sa problema ng inflation rate
Anne

Si Anne Curtis ang perfect example ng isang artista na updated sa current events at may concern sa mga nangyayari sa bansa natin.

Big news sa kasalukuyan ang inflation rate sa Pilipinas at may sapat na knowledge si Anne tungkol sa isyu dahil nagbabasa siya, nanonood  ng TV at nakikinig sa radyo.

Pinag-usapan kahapon sa Senado ang inflation rate issue at nagmarka kay Anne ang mga pahayag ni Senator Cynthia Villar.

Saludung-saludo si Anne kay Senator Villar dahil sa maayos at malinaw na paliwanag nito tungkol sa problema  na ikinababahala ngayon ng mga Pilipino.

Sa sobrang bilib ni Anne, nasabi nito na isa si Mrs. Villar sa mga senador na may sense. Agree ako kay Anne dahil matagal ko nang kilala si Senator Villar, pati na ang buong pamilya niya.

Masasabi ko na may saysay talaga ang mga salita na binibitawan ni Mrs. Villar. Hindi siya kagaya ng ibang mga senador na personal na interes ang pinaiiral at nag-iingay nang todo pero walang lalim ang mga pinagsasasabi. Hindi ko na kailangan magbanggit ng mga pangalan dahil kilalang-kilala sila ng mga kababayan natin.

Natakot mawalan ng trabaho, malditang aktres parang biglang sinapian ng anghel

Bait-baitan school of acting na ang aktres na may maldita image dahil nakarating yata sa kanya ang balita na inaayawan na siya ng production staff.

Gulat na gulat ang staff ng isang television show dahil malaki ang ipinagbago ng ugali ng aktres na biglang naging sweet at thoughtful sa kanila.

Dati-rati, hobby ng aktres ang magtaray at makisawsaw sa mga isyu sa set na hindi naman siya involved. Parang nakatuntong sa numero ang staff sa tuwing kinukunan ang mga eksena ng aktres dahil sa takot na baka maimbyerna siya.

Iba na ngayon ang scenario dahil magiliw na magiliw ang aktres sa mga dating kasamahan na inookray niya.

Siyempre, happy na ang staff sa inaasal ng aktres na parang sinapian ng mga anghel.

ToFarm nakatatak na kay Direk Maryo

Kahit hindi na ako naimbitahan sa mga sumunod na presscon ng 3rd ToFarm Film Festival, inirerekomenda ko sa lahat na suportahan ang film festival, alang-alang sa pagmamahal ko sa direktor na si Maryo J. Delos Reyes.

Si Kuya Maryo ang festival director ng ToFarm Festival na inakala ng lahat na hindi na matutuloy dahil sa pagpanaw niya noong January 2018.

Ang ToFarm Festival ang isa sa mga legacy ni Kuya Maryo sa local movie industry, bukod sa mga pelikula na ginawa niya.

Si Bibeth Orteza ang bagong festival director ng ToFarm Festival at kung nasaan man si Kuya Maryo, sure ako na masaya siya dahil masipag at malaki ang malasakit ng successor niya.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with