^

PSN Showbiz

Goma at Juliana parang magkapatid na lang

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Goma at Juliana parang magkapatid na lang
Richar, Juliana at Lucy

Napanood ko ang video ng 18th birthday celebration ni Juliana Gomez na may disco theme.

Matagal nang passé ang mga disco kaya hindi na ito alam ng ibang mga kaedad ni Juliana na nag-debut noong September 8 sa Bench Tower na pag-aari ng kanyang Ninong Ben Chan.

Parang magkapatid lamang si Juliana at ang kanyang tatay na si Richard Gomez habang sumasayaw sila. Feel na feel ni Richard ang pagsasayaw nila ng kanyang unica hija dahil ang mga disco house ang in thing  noong bagets pa siya.

Aktor, umiinit ang ulo pag nababanggit ang aktres na napagod sa pagsuporta sa kanya

Matagal nang hiwalay ang aktor at ang aktres pero hindi pa nakaka-recover ang ex-boyfriend sa break up nila ng ex-girlfriend niya.

Umiinit ang ulo ng aktor sa tuwing nababanggit ang name ng kanyang ex-dyowa na pagod nang gumastos kaya iniwanan siya.

Ginamit lang ng aktres ang utak niya dahil hindi puwedeng mabubuhay lamang sila sa pagmamahal. Paano kung nagkatuluyan sila ng aktor at magkaroon ng mga anak?  Hindi puwedeng solohin niya ang responsibilidad dahil sure na mahihirapan siya.

May kasalanan din ang aktor kaya nagbago ang tingin sa kanya ng aktres. Kung ipinakita niya na masipag at nagsisikap siya para sa kanilang future, walang dahilan para magbabu  ang aktres na super sipag at pinapatulan ang lahat ng mga raket sa showbiz.

Patricia waging mrs. Universe

Win si Patricia Javier ng Mrs. Universe Philippines Finest Woman 2019 title noong Saturday night sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila.

Siyempre, tuwang-tuwa si Patricia dahil nakuha niya ang pina-prestigious na beauty title at ang karapatan na i-represent ang Pilipinas sa Mrs. Universe International sa susunod na taon.

Nakadagdag sa happiness ni Patricia na hindi nasayang ang pagpunta ng kanyang asawa at dalawang anak sa coronation night ng beauty pageant  na nilahukan niya.

Masayang-masaya rin si Dr. Rob Walcher, ang better half ni Patricia na supportive sa lahat ng  mga pangarap ng misis niya.

Bago nag-join si Patricia sa Mrs. Universe Philippines Finest Woman, hiningi muna niya ang basbas ni Dr. Rob na pumayag agad dahil sa mga advocacy ng Philippine Honorable Queens Events, ang organizer ng beauty contest para sa mga misis.

Si Marilou Tolico-Villanueva ang founder ng PHQ. Beauty queen din si Marilou dahil siya ang representative ng Pilipinas sa Mrs. Universe International na ginanap noong nakaraang taon sa South Africa. Si Marilou ang nanalo na Mrs.Universe Loyalty.

Kasabay ng coronation night ng Mrs. Universe Philippines Finest Woman 2019 ang announcement na si Beau Singson ang Philippine representative sa Mrs. Universe International 2018 na magaganap sa Cebu sa December 11.

Gaya ni Patricia at ng ibang mga kandidata ng Mrs. Universe Philippines Finest Woman, may advocacy rin si Beau kaya qualified na qualified sila sa  theme na Recognition of Empowered Women na isinusulong ni Marilou.

“Unlike any pageant, Philippines Finest Woman is purpose drive, highlighting real concerns and areas to employ positive change,” ang pralala ni Marilou.

Dahil nanalo si Patricia, gusto ko nang malaman ang mga premyo na natanggap niya, bukod sa karapatan na maging representative ng ating bansa sa Mrs.Universe International 2019.

Nang mag-attend kasi ako sa presscon ng beauty contest, tinanong ko ang prizes na mapapanalunan ng mananalo. Walang sinabi si Marilou pero sumagot si Patricia  ng surprise ang mga prize. Curious na talaga ako na malaman ang surprise prizes.

vuukle comment

JULIANA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with