^

PSN Showbiz

Jolo hininging balato ang balikan nila ni Jodi

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jolo hininging balato ang balikan nila ni Jodi
Jolo

Wala raw magiging problema kay Jolo Revilla kung sakali mang makatrabaho o makasama sa isang proyekto ang dating kasintahan na si Jodi Sta. Maria. Nanatiling magkaibigan ang dalawa matapos magkahiwalay ilang buwan na ang nakalilipas. Sa katunayan ay si Jodi umano ang unang naisip ni Jolo na gawing leading lady niya sa pelikulang Tres.

“Oo naman, why not? Actually siya ‘yung first option. It was just her schedule (na hindi nagtugma),” bungad ni Jolo.

Pinagbibidahan ang nasabing pelikula ng magkakapatid na sina Jolo, Brian at Luigi Revilla mula sa Imus Productions na pagmamay-ari ng kanilang pamilya. 

May bulung-bulungan na posibleng nagkabalikan diumano ang dating magkasintahan pero hindi pa masabi ng aktor sa ngayon. “Balato n’yo na lang sa akin ‘yon,” makahulugang pahayag ni Jolo.

Samantala, kapansin-pansin na nabawasan na ngayon ang timbang ni Jolo kumpara noong isang taon. Puspusan ang ginawang pagwo-workout ng aktor pati na rin ang pagki-keto diet sa loob ng tatlong buwan. “I was 217 pounds then, that was my biggest. So I really need to lose weight. Ginawa ko lang siya talaga dahil naramdaman ko na kailangan ko na talaga. Health reasons,” pagtatapat ng aktor.

Masayang-masaya si Jolo na makapagbibida silang magkakapatid na lalaki sa uri ng pelikula na katulad ng mga ginagawa noon ng amang si Ramon “Bong” Revilla, Jr. at lolong si Ramon Revilla, Sr. “We have to bring back action films. Not just any ordinary films, these are the kind of movies that blow up real cars for example and not just done thru CG effects,” pagtatapos ni Jolo.

Karla ipagpapamisa ang tagumpay ng thou

Patuloy na pinipilahan sa mga sinehan ang pelikulang The Hows of Us na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Masayang-masaya ang ina ng aktor na si Karla Estrada para sa naging tagumpay ng nasabing pelikula ng Star Cinema. “Wala akong words na pwede i-describe doon sa nangyayari para sa anak ko. Siguro it’s more on ang ganda ng istorya and na­gampanan naman lahat ng artista sa The Hows of Us ‘yung kanilang mga karakter na magagaling,” nakangiting pahayag ni Karla.

Para sa aktres ay posibleng matagal nang nag­hahanap ng mga dekalibreng pelikula ang mga manonood kaya patuloy na tumatabo nang husto sa takilya ang The Hows of Us. “I think na-miss ng mga tao na makapanood ng ganito kagandang pelikula. ‘Yon lang naman ‘yung formula na hinahanap natin. Kasi minsan hindi dahil sa sikat ang artista eh. Ako kasi naniniwala ako na sa story ng pelikula,” paliwanag ni Karla.

Dahil sa tagumpay ng pelikula ay isang simpleng selebrasyon ang pinaplanong gawin ng aktres para sa panganay na anak. “Hindi pa kami nakapag-celebrate. Normally ang ginagawa ko ‘pag ganyan nagpapamisa ako, thanksgiving talaga,” pagbabahagi niya.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

JOLO REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with