Miss Granny nasa 160 theaters pa rin

Sarah

In all fairness, consistent ang kasipagan ng fans ni Sarah Geronimo.

Sa Twitter, lagi nila akong tina-tag sa pila pa rin ng pelikulang Miss Granny ng kanilang idol napinupuri-puri sa kanyang acting.

Kahit nga naman sobrang lakas ng The How’s of  Us ng KathNiel, hindi   nagpapa-dehado ang Miss Granny starring Sarah with James Reid and Xian Lim.

Showing pa rin kasi ang pelikula sa 160 theaters na nasa second week na.

Anyway, nauna ko nang nakuwento na kung kasipagan ang usapan, ang fans ni Sarah ang nangunguna. Pang-award ang ginagawa nila.

Show comments