Iza sinuklian ng kabaitan ang mga namimintas

Iza

Dapat tularan…

Seksing-seksi si Iza Calzado sa kanyang two-piece swimsuit photo na kuha sa The Farm pero isyu ito sa mga basher niya na obvious na inggit dahil confidently beautiful siya.

Biktima ng fat shaming si Iza ng mga tao na pinintasan ang picture niya. Na-offend ba si Iza? Hindi ang sagot dahil kahit nang magsimula siya sa showbiz, ikinukuwento na ni Iza na obese ito at hindi basta mataba noong kabataan niya.

Nagulat na lang si Iza nang malaman nito na isang kaibigan ang nag-share sa Facebook ng kanyang reaksyon tungkol sa mga bumabatikos sa katawan niya.

“Honestly, I am already used to it and I know my worth is not based on what other people think of my body, rather how I am as a human being - mind, body and spirit,” ang reaksyon ni Iza na hindi affected ng mga pang-ookray ng mga basher na sure ako na hindi perfect at may mga imperfection din ang itsura.

Ito naman ang spot-on na sagot ni Iza sa tao na hindi yata busy kaya napag-initan niya ang katawan ng nananahimik na aktres.

“I understand where are you coming from. Hirap naman talaga maintindihan from your end bakit hindi normal ‘yung body ko.

“I wish I could say I was merely chubby but truth is I was obese. I have lost 100lbs ( or more ) 14-inches from my waist and if you think about it, that’s probably like I had twins or gave birth several times.

“Siguro nga, may mga tao kahit lumaki sila, their skin remained tight and texture was great kaya lang I am not one of them. Trust me, not a day goes by na hindi ko inasam na magkaroon ng mas magandang balat.”

Tres hindi minadali

Maganda at kakaiba ang poster ng Tres, ang pelikula ng magkakapatid na Bryan, Jolo at Luigi Revilla.

Trilogy movie ang Tres na may pamagat na Virgo, 72 Hours, at ­Amats ang bawat episode.

Si Bryan ang bida sa Virgo, lead actor ng 72 Hours si Jolo at ang Amats ang comeback project ni Luigi.

Ang Tres ang hudyat ng pagiging active ng Imus Productions sa paggawa ng mga pelikula. Napabalita noon na isasali ang Tres sa 2nd  Pista ng Pelikulang Pilipino pero hindi natuloy dahil pinaganda nang husto ang mga eksena. Sina Dondon Santos at Richard Somes ang mga direktor ng Tres na mapapanood sa mga sinehan sa October 3.

Sina Joey Marquez, Carla Humphries, Paolo Paraiso at Lander Vera Perez ang ilan sa mga co-star ni Bryan Revilla sa Virgo.

Matagal na hindi gumawa ng pelikula at hindi lumabas sa TV si Bryan kaya excited ito sa pagbabalik-showbiz niya.

Sina Assunta de Rossi, Sandino Martin, Lito Pimentel at Myrtle Sarrosa ang kasama ni Luigi Revilla sa Amats episode ng Tres. Tulad ng kanyang Kuya Bryan, nagpahinga si Luigi sa showbiz.

Sina Albert Martinez, Rhian Ramos, Dominic Roque at Lara Quigaman ang co-actors ni Jolo Revilla sa 72 Hours.

May special parti­cipation sa episode na pinagbibidahan ni Jolo ang kanyang nanay na si Lani Mercado, sina Tirso Cruz III at Lovi Poe. Sa pagkakaalam ko, umapir din sa Tres si Phillip Salvador pero hindi nito ipinalagay sa poster ang kanyang pangalan. Hindi nagdalawang-isip si Ipe na lumabas sa Tres bilang suporta at pagmamahal niya sa Revilla family.

Show comments