^

PSN Showbiz

Sa sobrang pagkahumaling sa Granny, Sarah namili ng retro outfit

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sa sobrang pagkahumaling sa Granny, Sarah namili ng retro outfit
James at Sarah

Sobra palang na-in love ang Pop Superstar na si Sarah Geronimo sa Pinoy adaptation ng South Korean blockbuster hit na Miss Granny.

Bilang Audrey, ang pinabatang karakter ng 70-anyos na si Fely (Nova Villa), kinailangang baguhin ni Sarah ang look niya para umakma sa panahon ng isang pensyonadang lola na bumalik sa edad 20 matapos magpalitrato sa isang magical photo studio.

“In love na in love po ako sa fashion ng Granny. Recently nga po bumili ako ng mga damit na ganyan ang style, ang ganda-ganda. Walang masyadong pinapakita, pero sexy at disente, ang ganda-ganda talaga,” kwento ng singer-actress.

Close to home rin daw ang Miss Granny para sa kanya dahil nga pareho silang music lover at maka-pamilya ni Audrey.

“Na-enjoy ko po talaga ang journey ko sa paggawa ng pelikula na ito, dahil family-oriented, tungkol sa mag-ina, mag-lola, singer pa. Parang konti na lang po, maniniwala na ako na ako si Miss Granny, eh,” natatawa pang banggit ni Sarah.

Magaan din daw sa set at cool bilang director si Bb. Joyce Bernal, nakasama niyang mag-immersion ng isang araw sa isang elderly facility.

Kuwento pa ng singer-actress, nu’ng nasa Home for the Aged, nakaramdam siya ng lungkot. “Although sinasabi nila na ‘okey kami rito, ayos naman ang kalagayan dito, may mga activity kami, kumakain kami sa ganitong oras,’ makikita mo pa rin ang lungkot sa mga mata nila… sa kanilang lahat,” pag-alala niya sa mga nakitang mga lolo at lola.

Kinailangan nilang gawin ‘yon ni Direk Joyce para maaral ni Sarah ang nuances ng matatandang gaya ng karakter ni Fely.

Pero klinaro rin ng singer-actress na mismong si Nova ang ginawa niyang pinaka-peg sa pagganap sa karakter ni Audrey.

Mula raw sa depth nito, pagsasalita, paggalaw hanggang sa facial expression, sinubukang ilapit ni Sarah nang hindi nawawala ang sariling marka.

 Bukod sa retro na mga damit, ayos ng buhok at make-up, retro rin ang ilang kanta na kasama sa original soundtrack ng Miss Granny tulad ng Kiss Me Kiss Me, Rain at Forbidden Love.

Magsisimulang mapanood sa mga sinehan ang Miss Granny sa August 22, mula sa Viva Films. 

Starring din sa movie sina James Reid and Xian Lim.

Bela at JC naka-P7.5M na!

No. 1 uli sa nagaganap na Pista ng Pelikulang Pilipino ang pelikulang pinagbibidahan nina Bela Padilla and JC Santos, The Day After Valentine’s, directed by John Paul Laxamana for Viva Films.

Ayon sa unofficial box office result, kumita ito ng P7.5 million sa opening Day last Wednesday.

Ang pelikula nilang 100 Tula Para Kay Stella ang no. 1 sa kauna-unang PPP last year.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with