Winwyn lutang ang ganda sa Unli Life, PPP umpisa na

Winwyn

MANILA, Philippines — Parang tama si Joey Marquez na kontrahin muna ang pag-aasawa ni Winwyn Marquez kung may plano na sila ni Mark Herras na pakasal. Ang ganda ng rehis­tro ni Winwyn sa pelikulang Unli Life kung saan siya ang leading lady ni Vhong Navarro sa isa sa eight official en­tries sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 na magbubukas sa mga sinehan nationwide star­ting today Wednesday at tatagal hanggang August 21, Tuesday next week.

Puwede siyang gawan ng Regal Films ng solo mo­vie na ang concept ay kasosyalan. Ang ganda niya at lutang ang pagiging beauty queen.

May hawig din siya kay Nadine Lustre sa nasabing pelikula na nag-iisang comedy film sa PPP 2018. Graded B ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Anyway, ang iba pang kasali sa PPP ay ang Signal Rock starring Christian Bables. Ang husay ni Christian sa passion project ni Direk Chito Roño na kinunan sa Samar.

Literal na siya ang ‘rock’ ng buong ba­yan nila at nagampanan ‘yun ni Christian ng mahusay ha. Lalaking-lalaki siya sa cha­racter ni Intoy at malayo sa nagpasikat sa kanyang role sa pelikulang Die Beautiful. A rating din ang movie ng CEB.

Kasama rin sa eight entries ang We Will Not Die Tonight, Ang Babaeng Allergic sa WiFi, Pinay Beauty, Madilim ang Gabi, Bakwit Boys and A Day After Valentine’s.

Ang gaganda ng mga pelikula, iba-iba ang genre at pinaghandaan ng mga producer kaya panoorin natin.

Bukod sa main entries, may anim ding mapapanood sa Special Section Features - Kiko Boksi­ngero, Balangiga : Howling Wilderness, Tu Pug Imatuy, Paki,  High Tide and Gusto Kita with All My Hypothalamus.

Ang PPP ay proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at in all fairness talagang ginawa lahat ni FDCP Chair and CEO Liza Diño para suportahan ang mga kasaling pelikula.

Kahapon ay ginanap ang meet and greet sa mga artista ng mga pelikulang kasali matapos ngang bagyuhin ang sana’y Parade of Stars sa QC last Saturday. 

#PPP2018 #SuportahanAngPelikulangPilipino.

Show comments