^

PSN Showbiz

Xian psychological thriller ang pinaghahandaan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Xian psychological thriller  ang pinaghahandaan
Xian

Pinaghahandaan na ngayon pa lamang ni Xian Lim ang pelikulang gagawin para sa Cinemalaya Independent Film Festival 2019. Excited na ang aktor dahil siya ang magiging direktor ng Tabon na isang psychological thriller film. “I’m very excited. Ever since I did Two Funerals back when Direk Gil Portes was still alive. La­ging sa istorya ko sinasabi ko na no’n pa lang kinukulit ko na siya kung paano makapasok (sa Cinemalaya). And going through all the process of turning a full script, having a callback, having to present it to the board, the concept and the storyline. Ang laking pasasalamat ko na lang na umabot ako dito sa part na ‘to na pwede na kaming magsimula. Expect a psychological thriller,” nakangiting pahayag ni Xian.

Kinailangan pa umano ng aktor na mag-training sa pamamahala ng batikang manunulat na si Ricky Lee dahil ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na makapagdidirek si Xian ng isang pelikula. “So far I’ve finished Ricky Lee’s Batch 17, 15-week workshop. So I’ll be having a couple of guys with me din to guide me along the way na din. I am sure I’m gonna need all the help I can get. Hindi naman ito ‘yung sinasabi ko na kaya ko na. I am gonna need all the help I can get. Pero this is gonna be one crazy year,” pagbabahagi ng aktor.

Myrtle ayaw na sa artistang dyowa

Isang non-showbiz guy ang nakikipag-date kay Myrtle Sarrosa ngayon. Mas gusto raw ng dalaga na hindi artista ang kanyang makakarelasyon dahil sa ilang mga bagay. “Parang complicated masyado ‘pag showbiz relationships. Natutunan ko kasi na ‘yung mga relationships, hindi n’yo kailangan i-broadcast sa lahat ng tao para malaman kung anong meron kayo. It’s really between two people. Mahirap kasi ‘pag sa showbiz ang dami rin outside factors. At siguro mas maganda pa rin sa akin itong taong dini-date ko outside showbiz. Para may matutunan talaga ako sa kanya ng iba sa mundo ng showbiz,” paliwanag ni Myrtle. Madalas na video gaming ang bonding ng aktres at ng binata dahil dito rin sila unang nagkakilala. “So bonding na din namin ‘pag busy ako sa taping, nagkakausap na lang kami ‘pag magkalaro ng video games,” kwento ni Myrtle.

Samantala, masayang-masaya ang aktres dahil ipalalabas na simula September 12 ang pelikulang Wander Bra na kanyang pinagbibidahan. Kasama ni Myrtle sa nasabing pelikula sina Kakai Bautista, Gardo Versoza, Ahron Villena, Kiray Celis, Zeus Collins, Lassy Marquez, Wacky Kiray, Brian Gazmen, Negi at Gina Pareño.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with