Joshua laging gigil kay Julia!

Joshlia

Pinagsasabihan na ni Julia Barretto si Joshua Garcia na maghinay-hinay sa sobrang PDA (public display of affection). “Sometimes, I just tell Josh na hinay-hinay lang din. Minsan kasi, nanggigigil na talaga siya, nae-excite na talaga siya. So, parang I just remind Josh,” pag-amin ng young actress kahapon sa press launching ng first teleserye ng JoshLia love team na Ngayon at Kailanman (NAK).

Katuwiran naman ni Joshua, hirap daw kasi siyang magpigil sa nararamdaman kaya kadalasan ipinadadama niya sa young actress ang kanyang sobrang pagmamahal. “Siyempre, mahal namin ang isa’t isa, aalagaan namin ang isa’t isa. Siguro, normal na lang na lumalabas sa amin ‘yung pagke-care, ‘yung pagiging sweet ko sa kanya,” katuwiran naman ng young actor.

Kaya naman sinasaway na sila sa sobrang pagpapakita ng ka-sweetan sa harap ng publiko. “Nababawasan naman. Pero mahirap din kasing pigilan ang nararamdaman mo,” dagdag pa uli ni Joshua.

Aminado naman si Julia na first time siyang na­ging demonstrative sa feelings niya. Pero tulad ng young actor, may pagkakataon namang nahihiya sila to show their pagmamahal lalo na pag kaharap ang elders.“I feel like Joshua has really helped me to become very open about my feelings. He’s really opened me up which I think is a good thing. Kasi, I think, for the longest time, I was always so scared. I was afraid to really... kasi feeling ko, konting kibot ko, parating may nasasabi dati ang mga tao. Pero now, I just learned to really trust myself and just show them who I really am,” pagkukuwento pa ng anak ni Marjorie Barretto kahapon.

Anyway, walang kupas na kwento ng kapangyarihan ng pag-ibig  ang Nga­yon at Kailanman na magsisimula sa Agosto 20.

Ipapamalas nga nina Joshua at Julia ang kanilang husay sa pag-arte bilang sina Inno at Eva at ipapakita kung ano ang handang gawin ng dalawang taong nagmamahalan para rito.                                                                                                         

Pagtatagpuin ng tadhana ang mga pusong mula sa magkaibang mundo – si Inno (Joshua) mula sa makapangyarihang pamilya ng mga Cortes, at si Eva (Julia) naman ay laki sa hirap. Bagama’t hindi magkakasundo sa simula, hindi nila maitatanggi ang mamumuong pagmamahal nila para sa isa’t-isa.

Ngunit tadhana rin ang sisira sa kanila dahil sa misteryong bumabalot sa pagkatao nina Inno at Eva at sa paghadlang ng pamilya ni Inno sa dalaga. Ano ang kayang itaya nina Inno at Eva para sa pag-ibig?

Tampok din sa Ngayon at Kailanman ang pagbabalik-telebisyon ng isa sa mga batikang aktres sa industriya na si Rosemarie Gil bilang si Carmen Cortes, ang matriarch ng pamilya Cortes.

Kabilang din sa NAK ang mga tiniti­ngalang artistang sina Rio Locsin, Iza Calzado, Christian Vasquez, Alice Dixson, Ina Raymundo, Dominic Ochoa, at TJ Trinidad.

Tumutok gabi-gabi sa Ngayon at Kai­l­­­­­­­­a­n­man, sa Primetime Bida ng ABS-CBN pagkatapos ng  FPJ’s Ang Probinsyano simula Agosto 20 (Lunes). Ito ang papalit sa nagbabung Since I Found You.

Show comments