Kathryn solo flight muna

Kathryn

Masayang-masaya si Kathryn Bernardo dahil kasama ang aktres sa muling pagtatambalang pelikula nina Sharon Cuneta at Richard Gomez na Three Words To Forever.

Umaasa ang dalaga na marami siyang matututunan mga bagay mula sa mga beteranong artista katulad nina Sharon at Richard. “I’m very lucky na ‘yung project na ‘to with Enrique Ms. Sharon Cuneta ang Mr. Richard Gomez pa. Nandiyan sila to guide me of course,” bungad ni Kathryn.

Nasa shooting daw noon ang aktres nang matanggap niya ang magandang balitang ito. “Noong sinabi nila itong project, half way pa lang kami sa The Hows of Us and then sabi ko, ‘Paano?’ Tapos si Direk Cathy (Garcia-Molina) rin pala ang direktor. Happy ako na si Direk Cathy din. Malaking adjustment sa akin for the past six, seven years. I’m with DJ (Daniel Padilla) and parang break namin na project ‘to for the mean time,” kwento ni Kathryn.

Hindi man makakasama ng dalaga si Daniel sa bagong pelikula ay hindi naman daw nangangahulugang mabubuwag na ang tambalang KathNiel. “Nandiyan pa rin ang KathNiel, parang break lang ito and of course may project pa din naman in the future. Ang importante happy pa din naman si DJ sa desisyon na ‘to. Nag-usap kami about it and pareho kami excited, sana maintindihan din nila. Of course si DJ din, gusto niya ng own project in the future. And hindi naman ibig sabihin na naghiwalay kami ng project eh tapos na,” paliwanag ni Kathryn.

Chill chill muna sa career, Enrique sa pamilya muna pagkatapos ng bagani

Sa Biyernes ay magtatapos na ang teleseryeng Bagani na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Ngayong magwawakas na ang nasabing proyekto ay plano ng aktor na pagtuunan muna ng panahon ang pamilya lalo na ang inang si Bambi Gil. “Siyem­pre tumatanda na rin ang mom ko, ‘yung kapatid ko she’s growing up. I just felt I lost another few years with them. Kasi I gave my whole life to showbiz and I felt I can’t take that away from them and I wouldn’t change it for the world naman. Family is more important. Kailangan mo magtrabaho para sa pamilya mo, pero sa akin mas importante minsan na makasama mo ang pamilya mo kahit konting oras lang,” nakangiting pahayag ni Enrique.

Pahinga muna sa paggawa ng soap opera ang aktor pero may ilang mga pa trabaho ring kailangang gawin. “Siguro sa schedule lang, nagpatung-patong lang. It gets really tiring also, we’re fixing the schedule na hindi ko kaya ‘yung super ratsada compared to how many years na nagsimula ako, sabi ko relax muna tayo konti ngayon,” pagtatapos ng aktor.

Show comments