Maine halos kamukha na ang yaya sa sobrang pagmamahal

Maine

Kylie goal na makatapos ng 2 libro every month

SEEN: Nakunan na ang mga eksena ng Hollywood actor na si Stephen Baldwin para sa Kaibigan pero may babaguhin sa kuwento ng pelikula na tinatampukan ni Jean Garcia at ng Perkins twins.

SCENE: In a very special role ang billing ng pangalan ng veteran actress na si Nova Villa sa Miss Granny. Si Nova ang old Sarah Geronimo sa fantasy drama comedy ng Viva Films.

SEEN: Magbibida si Alessandra de Rossi sa bagong pelikula na OctoArts Films International. Hindi pa naglalabas ng detalye ang OctoArts Films tungkol sa movie project na gagawin ni Alessandra.

SCENE: Ang makatapos ng pagbabasa ng dalawang libro sa isang buwan ang goal ni Kylie Padilla, sa kabila ng hands on na pag-aalaga niya sa anak nila ni Aljur Abrenica.

SEEN: Bilib na bilib ang fans ni Maine Mendoza sa pag-aalaga at pagmamahal niya sa kanyang Yaya Pepe. Kahawig na ni Maine ang kanyang yaya na nagpalaki sa kanya at itinuturing niya na second mother.

SCENE: Lumitaw ang pagiging over protective father ni Joey Marquez sa kanyang mga anak na babae na ayaw pa niya na mag-asawa. May dalawang anak na babae si Joey sa former actress na si Brenda del Rio at si Winwyn Marquez ang nag-iisang anak na babae nila ni Alma Moreno.

SEEN: Ang magkasabay na red carpet premiere kagabi ng Unli Life ng Regal Entertainment Inc. sa SM Megamall Cinema at ng The Day After Valentine’s ng Viva Films sa TriNoma Cinema.

SCENE: Ang White Slavery ang opening film ng 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino na opisyal na magsisimula ngayong gabi sa Samsung Hall ng SM Aura, Taguig City.

Show comments