Ex ng sikat na aktres na matulis sa babaeng mapera, may bago na namang puntirya!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2018 - 12:00am

Sa isang malaking umpukan ay pinagpistahan ang pinakabagong kuwento tungkol sa dating karelasyon ng isang sikat na aktres. Kilalang-kilala rin ang lalaki, sa ibang larangan nga lang, pero may sariling balwarte rin siya ng mga tagahanga.

?Tahimik lang ang male personality, pero matinik siya, sa popularidad niya sa linyang kinabibilangan niya ay talagang lapitin siya ng mga kababaihan at beki.

?Ang pinakahuling kuwento ng aming source tungkol sa kanya, “Meron siyang pinagkakaabalahang girl sa bandang South. Palagi niyang sinasabing maligaya na siya sa buhay niya ngayon with his girlfriend and children, pero bakit kailangan pa niyang maghanap ng ibang babae?

?“May girlfriend siyang bago, anak-mayaman ang girl, naitatago nila ang relasyon dahil siya mismo ang nagpupunta sa tinitirhan ng girl dito sa Manila.

?“Kilalang angkan sa isang city sa South ang kinabibilangan ng babae, mapera ang girl, sunod ang lahat-lahat ng luho ng male personality sa kanya. Nu’ng malaman nga ‘yun ng mga kasamahan niyang matunog sa mga nangyayari, e, isa lang ang nasabi nila.

?“Talaga palang mahilig siyang makipagrelasyon sa mayayaman, talagang naghahanap siya ng mga mucho ang bulsa, marunong siyang pumili!

?“Puro madadatung ang nakakarelasyon niya, ha? Meron na ba siyang naging girlfriend na walang datung? Magaling pala talaga siya kahit tatahi-tahimik lang siyang ganyan!” konklusyon ng aming source.

?Ewan lang kung nakakatunog na rin sa ginagawang milagro ng male personality ang ina ng kanyang mga anak. Kilalang-kilala pa naman sa pagiging tahimik at walang kaepalan ang ka-live-in niyang girl.

?“Busy rin kasi ang girlfriend niya, may malaking responsibility ang ka-live-in niya sa isang malaking company. Baka hindi pa sa ngayon dahil sila pa rin naman, pero makalusot kaya siya sa babae?

?“Kung titingnan mo lang ang guy, e, parang ni hindi siya makapapatay ng lamok, parang napakabait niya, pero sabi naman ng mga kasamahan niya, e, super-tulis kuno ng guy sa mga kababaihang mapera.

?“Ganu’n? Kaya pala sinasabi ng ibang katropa niya na kumita pa siya nang milyones sa pakikipaghiwalay niya sa ex niyang sikat na female personality,” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Alice pinatay na, Homer peke ang pagkamatay

“It’s a fake!” sigaw ng mga tagapanood ng Ang Probinsyano na matagal nang nangangarap na mapatay na si Homer Adlawan na mas kilala sa pangalang Alakdan sa serye.

?Nagbunyi na ang mga sumusubaybay sa palabas dahil akala nila ay napatay na nga ni Cardo Dalisay si Alakdan, pero hindi pa pala, nu’ng sumunod na gabi ay ipinakita si Homer na humihinga pa at nakaligtas sa engkuwentro nila ni Cardo.

?Talaga raw palang matagal bago mamatay ang isang masamang damo, isa lang sa mga mensaheng natanggap namin, inis na inis ang mga manonood dahil makapaghahasik pa rin daw pala ng kasamaan sa mundo si Alakdan na ginagampanan ni Jhong Hilario.

?Siguro nga ay kailangan pang buhayin si Alakdan sa serye para ito mismo ang maglinis ng pangalan ni Ricardo Dalisay na sumama sa grupo ng Pulang Araw na nang lumaon ay tinawag nang Vendetta.

?May nakakatawa namang naganap sa amin ni Tita Dolor Guevarra, manager ni Ms. Susan Roces, nang i-text niya kami ng ganito nu’ng isang umaga, “Patay na pala si Alice.” 

?Ang agaran naming sagot sa kanya, “Bakit? Ano ang nangyari? Iuuwi ba dito ang body niya?” Ang unang pumasok sa isip namin ay si Tita Baby Smith, ang da­ting aktres na si Pamela Ponti, dakilang ina nina Direk Eric Quizon, Ronnie, Madonna at Epi Quizon.

?Ito ang kilala naming Alice na tinutukoy ni Tita Dolor na namatay na pala, malapit na nga naming tawagan si Tita Flory Estrada, na bestfriend ni Tita Baby.

?Tumawag agad sa amin si Tita Dolor, tawa siya nang tawa, “Ano ba ang mga pinagsasasabi mo? Anong bangkay ni Alice ang itinatanong mo kung iuuwi ba dito sa atin?”

?Nakakaloka! Hindi pala si Tita Alice Smith ang sinasabi niya, kundi si Alice Dixson, na kasama rin sa Ang Probinsyano.

?Mabuti na lang at role lang ang mamamatay, hindi totoong taong mahal namin, kaya nagbaklas kami ng item sa aming kolum bilang pakikiramay sa magkakapatid na Quizon.

?Haaaaaayyyy!

ALICE DIXON JHONG HILARIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with