James
Sarah, dinaga sa pananampal kay James
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - August 9, 2018 - 12:00am

May eksenang sampalan sina Sarah Geronimo at James Reid sa pelikula nilang Miss Granny pero, ang eksenang ito ay halos maglagay sa Pop Royalty sa alanganin dahil hindi niya na-execute agad. Nakaramdam siya ng hiya at pagkailang kay James kaya kinailangan pa niyang lakasan ang loob para magawa ito. Nagtaka nga si James dahil kung si Nadine Lustre ay walang problema na padapuin ang kamay nito sa mukha niya kapag kinakailangan sa mga trabaho nila, si Sarah ay nahirapan pa.

Jane madalas makitulog sa bahay ni Christian

Obviously, may something between Christian Bables and Jane Oineza. Kung wala ay hindi siguro maiisip ni Jane na makitulog sa bahay ni Christian. Kahit pa ulit-ulitin ng aktor na sa guest room natulog si Jane, the fact na natulog ito sa bahay niya gayung marami namang bahay ng mga kaibigan itong mapupuntahan o kaya ay umuwi na lamang ito ng bahay niya ay nagbabadya ng seryosong ugnayan sa pagitan nila.

Nagsimula ang friendship nila nang magkasama sila sa isang proyekto. Pareho ring single ang dalawa.

Mga naging contestant ng Little Miss-PH, hindi na mabilang

Sa pagdiriwang ng Eat Bulaga ng kanilang 40th anniversary, marami ang naka-realize na hindi lamang sina Aiza Seguerra at Ryzza Mae Dizon ang mga sumikat sa isa sa pakontes ng programa na Little Miss Philippines.

Naging contestants dito sina Kim Domingo, Pauleen Luna, Francine Prieto, Maybeline dela Cruz, Gladys Reyes, Jessa Zaragoza, Julie Anne San Jose, Jillian Ward, Geneva Cruz, Donna Cruz, Angelica Panganiban, Camille Prats at Catriona Gray.

Sa Mr. Pogi naman sumali sina Jericho Rosales at Edgar Allan Guzman.

Dahil 40 years na ang EB, ‘di lamang isang araw, isang linggo o isang buwan kundi isang buong taon tatagal ang selebrasyon ng kanilang anibersaryo ang programa.

Joshua pinatanda sa NAK nila ni Julia

Kung maganda ang naging performance nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa I Love You, Hater, mas naniniwala ang mga supporter na mas exciting ang unang serye nila sa TV na Ngayon at Kailanman. Sa teaser na napapanood ngayon about the show kita na agad ang mga kilig na eksena ng dalawa.

At para marahil mapaiba ito sa I Love You, Hater, binago ang hairdo ni Joshua, pinagmukha siyang mas mature.

Malapit na ring mapanood ang NAK dahil halos sabay-sabay na magtatapos ang Since I Found You, Bagani at The Blood Sisters, nakikita na rin ang nalalapit na ending ng Asintado. Ang Araw Gabi ba at Ang Probinsyano ay nagbabadya na rin ang pagtatapos?

JAMES REID SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with