^

PSN Showbiz

Regine at Lani nag-react sa pagsabit ng boses ni Morissette

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Regine at Lani nag-react sa pagsabit ng boses ni Morissette

Andre nililigawan pa lang si Mikee

PIK: Mismong sina Regine Velasquez at Lani Mi­salucha na ang nagsasabing  hindi masama ang magkamali ka sa ilang mga performance mo bilang singer.

Hiningan namin sila ng reaksyon sa nangyari kay Morissette na sumabit sa isang show niya na hindi niya naabot nang bumirit ito.

Sabi ni Regine, walang masama ‘yung magkamali. Hindi naman daw perfect ang lahat na performance.

Normal lang daw iyun at hindi nakakasira sa isang singer.

“Nangyayari talaga ‘yun. Lahat naman nagkakamali eh. Mistakes is inevitable because you sing live.

“But you learn from the mistakes you made. Even  kami who has been singing almost all our lives, we still make mistakes.

“Ganun talaga yun, hindi naman recorded eh. Kaya dapat ina­aral lahat,” pahayag ng host ng The Clash.

Kaya iyun ang madalas niyang pinapayo sa mga contestant ngayon ng The Clash na dapat ay paulit-ulit na nagri-rehearse. Ano naman daw ngayon kung narinig ng mga kalaban ang style ng pagkanta mo. Ang mahalaga nakapag-ensayo ka nang mabuti para hindi ka sumabit sa performance.

Abangan na lang sa The Clash ang pilian ng 16 clashers na mapapanood sa darating na Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto, at sa Linggo pagkatapos ng Daig Kayo ng Lola Ko.

PAK: Sa taping ng The Clash din kahapon nakatsikahan namin ang Clashmate na si Andre Paras at sinagot nito ang napabalitang nagkamabutihan sila ni Mikee Quintos.

Tinawanan lang din niya ang pagkaka-link kay Rhian Ramos dahil magkaibigan naman daw talaga sila noon pa.

Si Mikee naman ay matagal na raw silang magkaibigan bago pa sila magsama sa Encantadia, pero napangiti ito na sinagot kami na baka nga raw ligawan niya ang Kapuso young actress.

“Close kami ni Mikee, lumalabas kami with friends o pag minsan pag free siya kaming dalawa lang. So, it’s really fun to be with Mikee. Kasi parang wala kang problema pag kasama mo siya,” pakli ni Andre.

Tinanong namin kung balak nga ba niya itong ligawan.

“Maybe. We’ll see,” nakangiting sagot ng The Clash online host.

“As of now, we made it to the point na basta pag magka-relationship, dapat may understanding in line of work,” dagdag niyang pahayag.

BOOM: Marami ang nagulat na miyembro ng Malacañang Press Corps nang nakita nila si Martin Nievera sa Malacañang kahapon.

Akala nila may meeting kay Pres. Rodrigo Duterte ang singer. Iyun pala dun mismo sa Malacañang pinuntahan ng concert king si Spokesperson Harry Roque.

Guest pala siya ni Martin sa kanyang talk show na LSS: The Martin Nievera Show.

Sa programang iyun ay na-feature na ni Martin sina Gen. Bato dela Rosa, at ilan pang kilalang personalidad.

Na-miss din ni Martin ang mag-host ng isang talk show at mabuti meron na siya ngayon na talagang kinakarir niya.

Ang saya nga raw ng huntahan nila ni Atty. Roque na pinakanta pa yata ni Martin.

vuukle comment

LANI MI­SALUCHA

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with