Buhay ni Papa P. plantsado na, datung naayos ng kanyang special girl

Piolo at Chiqui

Ang sister ni Piolo Pascual na si Chiqui pala ang nagma-manage ng mga datung ng aktor. Kilalang maingat sa pera si Papa P na sinasabing isa sa pinaka-mayaman sa showbiz.

“Like any other person, I want to give my family the best life possible. I am a man of my word, that’s why I work hard and seize every opportunity that comes my way,” say ni Piolo. “But more than just earning money, it’s how you manage your finances that makes a difference. Fortunately, I have the guidance and help of one very special lady: my very own sister, Chiqui Pascual-Gonzales, who also happens to be my Sun Life Advisor.”

At si Chiqui rin ang naging instrumental para masigurong matutupad ang mga pangarap niya sa kanyang pamilya. “It’s a partnership through and through. With her help, I’ve been able to make it all happen while still pursuing my own passions and advocacies,” sabi pa ng aktor.

Ang story nilang magkapatid ay isa lang sa maraming halimbawa ng Sun Life Financial, where lifetime partnerships are developed and nurtured through the years. At dito nga inspired ang latest campaign ng Sun Life kung saan pinakikita ang pre­sence in a client’s life throughout the different stages ng kanyang buhay.

Umaasa ang Sun Life na sa pamamagitan ng kuwento ni Pio­lo ay matuto ang karamihan na ayusin ang kanilang mga kinita. “As the longest-standing life insurance company in the Philippines, we have witnessed many promises being fulfilled throughout the years and have served gene­rations of clients. It is an honor for us to serve all our clients and help them secure their future and those of their loved ones,” Sun Life Chief Marketing Officer Mylene Lopa said.

Maraming artista natin ang hindi naayos ang kanilang mga kinita kaya pagtanda, naging pulubi.

Gayahin nila si Papa P. na ang kulang na lang sa buhay ay asawa.

Mga kantang sikat  puro kalaswaan na rin ang lyrics

Pati sa music, kailangan na ring bantayan ang mga bata ngayon.

Majority kasi sa mga kantang favorite nila, explicit ang lyrics. Yup as in super kalaswaan at offensive lyrics na ang maririnig.

Sa Spotify, meron silang naka-indicate kung explicit pero paano kung narinig nila sa radio or downloaded lang?

Wala na yatang wholesome ngayon sa internet.

Kaya talagang advisable na i-monitor ang mga music na dina-download ng mga bata sa kanilang phone or iPad lalo na kung lagi silang naka-headphone.

Ansel Elgort at Taron Egerton,  nasubukan ang Billionaire Boys Club

Ambisyon. Pera. Krimen. Ito ang tema ng pinakabagong crime thriller movie na Billionaire Boys Club na pinagbibidahan nina Ansel Elgort (The Fault in our Stars, Baby Driver) at Taron Egerton (Kingsman: The Secret Service).

Sa Direksyon ni James Cox (Wonderland, Straight A’s) at sa panulat ni Captain Mauzner, ang pelikula ay hango sa mga tunay na pangyayari sa isang exclusive na investment-and-social club sa California noong dekada 80.

Ang Billionaire Boys Club ay binubuo ng mga anak-mayaman na nakatira sa Southern California noong 1983. Ini-engganyo nila ang mga negosyante na mag-invest sa kanila sa pamamagitan ng get-rich-quick schemes, at ang kanilang mga pera ay ginagamit ng club members para sa kanilang maluhong pamumuhay. Ngunit noong 1984, nagsimulang maubusan ng pondo ang club at dito nagsimulang bumagsak ang lahat.

Mula sa magagarang kotse, naglalakihang mansyon, all-out parties, hanggang sa mga delikadong engkwentro, ipakikita sa pelikula kung ano ang kaila­ngang isugal para sa kasikatan at mataas na estado sa buhay.

Showing na ito sa mga sinehan since yesterday mula sa Viva International Pictures at MVP Entertainment.                                                

Show comments