^

PSN Showbiz

James may pressure sa pagsasama nila ni Sarah

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
James may pressure sa pagsasama nila ni Sarah
Sarah at James

Sa susunod na buwan ay ipala­labas na sa mga sinehan ang pelikulang Miss Granny na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo, Xian Lim at James Reid mula sa Viva Films. Ngayon pa lamang ay excited na raw si James para sa kauna-unahang pelikula na pinagsamahan nila ng Popstar Princess sa direksyon ni Joyce Bernal. “Actually it’s coming out this August 22. So don’t miss it. It’s gonna be really good, I’m excited,” nakangi­ting bungad ni James.

Nakararamdam din umano ng kaba ang aktor lalo pa’t remake ang pelikula na una nang ipinalabas sa Korea. “I felt a little bit pressured because it was already a successful film in Korea. But I feel I pulled it off and Sarah is amazing, and perfect for the role,” pagbabahagi ni James.

Kakaiba ang istorya ng nasabing pelikula dahil tungkol ito sa kwento ng isang lola na ginampanan ni Nova Villa. Dapat pakaabangan ng mga tagahanga kung paano nakita ni Nova ang kanyang kabataan sa katauhan ni Sarah sa Miss Granny.

Kakai maraming natutunan sa ginawa ni Ahron

Naging kontrobersyal noon ang pag-amin ni Kakai Bautista tungkol sa kanyang tunay na naram­daman sa kaibigang si Ahron Villena. Ayon sa ko­medyante ay talagang napamahal siya sa aktor pero hindi ito nauwi sa isang relasyon.

Maraming natutunan si Kakai pagdating sa pag-ibig dahil sa naranasan nito kay Ahron. “I learned a lot of things, lessons sa pinagdaanan ko sa kanya. I’m sure marami rin siyang natutunan. I grew a lot when it comes to relationships. I’m actually dating some guys, hindi lang isa, out of showbiz. At saka lahat sila guwapo,” pagbabahagi ni Kakai.

Sa ngayon ay nananatiling magkaibigan ang komedyante at si Ahron kaya madalas pa rin silang lumalabas na magkasama. “Si Ahron po kapag kailangan ko siya or gusto kong manood ng sine, lumalabas kami. Who am I not to forgive someone, hindi ba? Saka marami naman siyang nagawang mabuti sa akin kaya there’s no reason why hindi ko siya mapatawad or mapatawad ang isa’t isa,” makahulugang pahayag ng komedyante.

Masayang-masaya naman si Ahron dahil nagkaayos silang muli ni Kakai pagkatapos ng kanilang hindi pagkakaunawaan noong isang taon. “Nagkapatawaran kami sa isa’t isa. May mga bagay na hindi kami nagkaintindihan before and siguro parang one year kaming hindi nagkita noon. Sabi ko tingnan mo, nag-aaway man tayo, hindi kita pinapatulan. Mainis ka man, sige lang, tinatawanan ko lang,” nakangiting pahayag ni Ahron.

Hindi raw inakala ng aktor na makapagtatambal at magbibida pa sila ni Kakai sa pelikulang Harry & Patty na ipalalabas na sa mga sinehan simula sa August 1. “I’m really happy na first major project ko sa big screen ay kasama ko si Dental Diva. Sa mga nangyari sa amin, uunahan ko na po kayo, hindi po ito planado. Kami ay naging okay ng September and the movie was offered two months after,” giit ng aktor.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with