^

PSN Showbiz

Piolo tapos na kay Arci

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo tapos na kay Arci
Piolo

Sa unang Biyernes ng August ay magtatapos na ang teleseryeng Since I Found You na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Arci Muñoz. Pagkatapos ng serye ay isang pelikula ang nakatakdang gawin ng aktor. “August 3 is going to be our last day. In 3 weeks we’re done and I can focus more on movies and other stuff and I’m just really happy because, you know, it has run its course,” nakangiting pahayag ni Piolo.

Ang aktor ang magsisilbing producer ng pelikulang pagbibidahan ni Robin Padilla tungkol sa naging kaguluhan sa Marawi.

Sa Mindanao gagawin ang shooting ng pelikula sa direksyon ni Joyce Bernal. Samantala, aminado si Piolo na ikinalungkot niya ang pagkakatanggal ni Daniel Padilla sa bagong pelikula. Abala rin kasi si Daniel sa shooting ng The Hows of Us na pinagbibidahan nila ni Kathryn Bernardo. “Napakaganda ng pelikula, ng istorya. So kahit sino man ang gaganap doon maswerte talaga. Even if the person wants to do it, kung hindi ka naman papayagan o may conflict sa schedule, mahirap ipilit ‘yon,” giit ni Piolo.

Jolo nagpasalamat sa mga naitulong ni Jodi sa anak

Disiplinado kay Jolo Revilla ang anak na si Gabriel Bautista na ngayon ay labingtatlong taong gulang na. Para sa aktor ay nasa lugar naman ang kanyang pagiging istrikto sa anak. “Disciplinarian ako, tinanggalan ko siya ng cell        phone. Naka-gadget lang siya ngayon dahil sa school. May iPad sa school eh, so we need to give them one. Hindi na sila masyadong naglilibro sa school. Kasi nasa iPad na lang, e-books na ngayon eh. Siyempre ayoko rin namang masyadong higpitan ‘yung bata. Kasi habang mas lalo mong hinihigpitan ang bata, mas lalo kang aabusuhin, mas lalong gagawin ang bawal,” paliwanag ni Jolo.

Hanggang maaari ay hindi hahayaan ng Vice Governor ng Cavite na sumabak na rin sa show business si Gabriel sa murang edad nito. “Aaminin ko, no’ng nagsimulang kumita ako ng sarili kong pera, nawalan ako ng gana sa pag-aaral. Kaya ngayon, ginawa kong magtapos kahit may edad na. Mahalaga ang edukasyon sa buhay ng tao. Kasi hindi porke’t street smart ka, okay na. Kailangan may hawak ka ring diploma,” giit ni jolo.

Malaki ang pasasalamat ng aktor sa kasintahang si Jodi Sta. Maria dahil sa paggabay rin ng aktres sa anak. “Si Jodi malaki ang naitulong sa akin sa pagpapalaki ng anak kumbaga, ‘dapat ganito ‘yan,’ ‘dapat ganito.’ Siyempre na-guide niya ako kung paano. Unang-una, ako bilang ama, ‘yung perspective ko siyempre kailangan mo rin ng parang nanay. ‘Yung binabanggit niya sa akin, ‘yung point of view ng nanay. So malaking bagay na nandiyan siya,” nakangiting pahayag ni Jolo.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with