^

PSN Showbiz

Kris binukong hindi siya pinag-interesan ng abogado!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kris binukong hindi siya pinag-interesan ng abogado!

May shippers na agad ang loveteam nina Kris Aquino at Atty. Gideon Peña mula nang mag-guest si Atty. Gideon sa isang episode ng webisode ng Kris TV. KrisDeon ang tawag ng shippers ng dalawa sa kanilang sarili at kinikilig sila sa convo ng mga ito.

Sa post ni Atty. Gideon na “sana sa susunod na paglingon ay nariyan ka,” nag-comment si Kris ng “Atty G-if this is for me, wait lang please- i’m shooting for @samsungph now...but if it’s not-she’s a very lucky girl. (Sorry ha, the original Twitter posts were already sent to me by several people & this now popped up on my phone.)”

Sumagot si Atty. Gideon kay Kris,  “@krisaquino it’s just a shout into the void. The things I really mean are sent in private. P.S. Check your viber.”

Gusto ngayong alamin ng KrisDeon shippers kung ano ang Viber message ni Atty. Gideon kay Kris. Dagdag na kilig sa shippers ang IG story ni Atty. G na photo nila ni Kris, pero tinakpan ng bear stickers ang mukha nila at ‘yung IG story na “Bakit hindi na lang tayo.”

Pero parang binasag ni Kris ang mga umaasa sa love team nila ni Atty. G sa post niyang: “He’s really a FRIEND-wag na natin gawing complicated pa...he deserves for the World to know he’s available & not interested in me in a romantic way. Because he should have options & not be a ‘victim’ of other people’s expectations-hence this reply.”

Dingdong at Dennis itutuloy ang Cain at Abel

Wala pa mang formal announcement mula sa GMA 7, masaya na ang Kapuso viewers sa balitang pagsasamahin ng network sa isang teleserye sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo. Matagal na sa network ang dalawa, pero if ever ay ngayon pa lang sila magkakasama kaya tama lang na “giant project” ang itawag sa teleseryeng pagsasamahan nila.

Ang sabi, sa August na sisimulan ang taping ng wala pang title na teleserye nina Dingdong at Dennis. Pinipili pa ang director at binubuo ang cast, ang tiyak, gugustuhin ng mga director ng network na sila ang humawak.

Lumutang din na ang matagal nang delayed na project ng GMA-7 na Cain at Abel nila. Maaalalang ang Cain at Abel ay unang plinano para kina Alden Richards at Aljur Abrenica na hindi natuloy.

Naalala rin namin na gusto ni late director Maryo J. Delos Reyes na muling gawing pelikula ang Cain at Abel na sina Miguel Tanfelix at Ruru Madrid ang magbibida. Unfortunately, hindi rin ‘yun natuloy at nakamatayan na nga ni direk Maryo.

This time, sana matuloy na ito kina Dingdong at Dennis, kung ‘yun ang kanilang gagawin. Kung August nga ang taping nila, malamang sa August din o baka sa first week ng September ang airing nito.

Placenta ni Jennica tinikman din ni Alwyn

Iba-iba ang reaction sa post ni Jennica Garcia-Uytingco na ‘yung part ng placenta ng second daughter nila ni Alwyn Uytingco ay ginawang fruit smoothie at ininom nilang mag-asawa. Hindi naman ang buong placenta ang ginawang smoothie, ilang parte lang, but still may placenta pa rin.

“To my surprise, my husband, drank two sips from my smoothie before handing it over to me! Kaya sigu­ro mahal na mahal ko ang asawa ko. Alam kong naiintindihan at suportado niya ako, gaano man kaiba ang nais kong tahakin na landas,” sabi ni Jennica.

Marian tahimik pa  sa bagong negosyo

Hindi pala renewal ng kontrata ang pa-event ng Hana Shampoo kay Marian Rivera sa Manila House, kundi para i-introduce sa consumers at gumagamit sa Hana ang three variants ng shampoo na inyong pagpipillian.

Pare-parehong mabango ang bagong fragrances ng Hana, lahat gusto ni Marian, pero ang favorite niya ay Twilight Roses dahil mahilig siya sa flowers. Sumasaya raw siya ‘pag nakakakita ng roses.

Ipinalabas din ang bagong TVC ni Marian ng nasabing shampoo at nagpasalamat na hanggang ngayon, siya pa rin ang endorser. Sabi nito, hindi siya nag-i-endorse ng produkto na hindi niya pinaniniwalaan at hindi niya ginagamit, kaya nakakasiguro ang maker ng Hana na shampoo nila ang gamit ni Marian.

Mabilis ang presscon, hindi kami nagkaroon ng chance na tanungin si Ma­rian sa ilu-launch niyang new business venture na Porta Moneda. Pati ‘yung MMFF movie, hindi na rin namin naitanong sa kanya.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with