Alden walang karapatang palampasin si Ate Vi

Alden

Isa lamang si Cong. Vilma Santos na makakasama sa kaabalahan ni Alden Richards. Gagawa siya ng movie kasama ang Pambansang Bae. Suggested idea pa lamang ito at wala pang confirmation pero, siguro naman ay hindi palalampasin ni Alden ang napakagandang oportunidad na ito, kahit pa napaka-abala niya sa Victor Magtanggol, isang bagong serye ng GMA katambal si Janine Gutierrez.

Ruru walang oras sa babae

Wala ring romansa na maasahan sa pagtatambal nina Ruru Madrid at Jasmine Curtis Smith. Very much in love ang kapatid ni Anne Curtis sa kanyang businessman boyfriend. Mabuti na lamang at no time for love ang Kapuso actor. Mas mapagtutuunan niya ang pagiging mabuting magkapareha nila at hindi na sila kinakailangan pang magpanggap na nagkakagustuhan.

James wala sa image ang mag-pulitiko

Wow, tatangkain pala ni James Yap na pumasok ng pulitika. Kinukumbinse itong tumakbo sa pagka-Vice Mayor ng San Juan sa darating na halalan. Kailangang pag-isipan itong mabuti ng sikat na basketbolista dahil ang pamilya Estrada/Ejercito ang makakabangga niya. Kailangan ding magkaroon siya ng isang magandang imahe.

JM hindi type dyowain ng baguhang singer

Mabuti na lamang at may Carlo Aquino na si Angelica Panganiban dahil malaki ang magiging pananagutan dito ng singer na si Isabela Vinzon na bago si Carlo ay na-link din kay JM de Guzman. Maraming fans si JM ang umaasam na mas magugustuhan nito si Barbie Imperial na kapareha niya sa Araw Gabi. 

Kinakagat ang pagpapareha nila sa nasabing serye ng ABS-CBN sa hapon, at mas may edad ito kaysa sa singer (Isabela).

Pero, kung ang anak ng character actor na si Roi Vinzon ang masusunod, lubhang napakaaga pa para siya ay magka-boyfriend. Pero sakali mang kakailanganin niyang magkaroon ng tandem, hindi si JM kundi ang kasabayan niya sa The Voice Teens ang gusto niyang makatambal, si Jeremy Glinoga dahil mas malapit ang edad nila. At crush pa siya nito. Kuya ang turing niya kay JM na hinahangaan niya ang talento sa pag-arte at ang kahusayan nito bilang musikero.

Isa pang idolo niya ay si Sarah Geronimo na galing na galing siyang pa­noorin sa rehearsal nito. Gusto niyang masundan ang bakas nito bilang singer at maging magaling ding dancer.

Lumabas na ang digital single niya na We Got This, ka-duet ang Malaysian na si Alex Chiong. Pupunta siya ng Malaysia to promote the single at siguradong sa galing at ganda niya ay magugustuhan nila siya dun. 

Show comments