Naunahan si Kris, Alden at Ate Vi magsasama sa movie!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2018 - 12:00am

Malabo nang magkabalikan, Aktres ipina-auction ang mga branded bag at sapatos na regalo ng actor!; Jerald susubukang pakinisin ang mukha

PIK: Pagkatapos sumikat ni Empoy Marquez, naniniwala si Jerald Napoles na mabibigyan naman sila ng chance na magbida sa mga pelikula.

Si Pepe Herrera nga ay meron na rin daw ginagawang pelikulang siya ang bida, at si Jerald naman ay may pelikulang The Write Moment na magsu-showing na sa Miyerkules, July 27.

“Uso kasi ngayon underdog eh. Wa ganda forever di ba?” pakli ni Jerald sa presscon ng naturang pelikula kasama si Valeen Montenegro.

Kahit nga mismo ang nanay niya ay hindi raw makapaniwalang bida na siya sa pelikula. Nasanay na raw ang nanay niya na panoorin siya sa role na kaibigan, ‘yung support lang talaga sa bida.

Pero ngayon ay bida na siya at sana ma-achieve naman daw niya ang naabot ni Empoy na bumibida na after Kita Kita.

Ang edge lang ni Jerald sa ilang aktor na di kagandahan, bongga naman ang katawan niya at may pa-abs pa siya.

Pero kahit papano, panay naman daw ang pa-facial ng aktor at meron daw treatment na ginagawa sa kanya para kuminis siya kahit paano.

“Hindi ko naman pinu-push na mag-perfect ang itsura ko, malabo na ‘yun. Siguro pleasant lang,” napapangiti niyang pahayag.

PAK: Matagal nang hiwalay itong magkasinta­hang si aktor at dramatic actress. Pero ang pagkakaalam ko friends pa rin sila at may komunikasyon paminsan-minsan.

Pero nitong mga nakaraang araw ay hindi na raw sila nag-uusap at talagang kanya-kanya na sila.

Isang araw nagulat na lang si aktor nang nakita niya sa website ng isang kilalang charity group na merong mamahaling gamit na pinapa-auction.

Ang kikitain sa auction na iyun ay mapupunta sa beneficiaries ng naturang grupo.

Nagulat si aktor dahil yung nakita niya ay mga mamahaling bag, sapatos at iba pang gamit na regalo pala niya kay aktres.

Ipinamigay pala ng ex-girlfriend ang mga mamahaling regalo sa kanya ni aktor sa cha­rity group na iyun.

Hindi naman daw na-offend si aktor dahil mapupunta naman sa maganda yung mga regalong bigay niya.

Doon lang niya napagtanto na talagang tinapos na at wala nang balikan dahil lahat na mga iniregalo niya ay nai-donate na sa charity.

Pinag-iisipan pa ni aktor kung ano naman ang balak niya sa mga regalong ibinigay sa kanya ni aktres. Pero talagang tuluyan nang tinapos dahil wala nang naiwang alaala ng matatamis nilang samahan nung magkasintahan pa sila.

Bahagi na iyun ng closure at pag-move on nilang dalawa.

BOOM: Proud na proud si Alden Richards sa costume niya sa Victor Magtanggol dahil gawang Pinoy ito.

“Everything is purong Pinoy, It’s all Filipino talent, effort, blood, sweat, tears, all in one project,” pakli ni Alden.

Matagal din daw nabuo ang costume na iyun na kung saan ilang beses pinalitan at natagalan silang mag-decide sa kulay nito. Pero finally, nang nabuo na, agree ang lahat na maganda at bumagay kay Alden.

Type pa ni Alden dahil kumportable siya at hindi mabigat sa kanya kapag ginagawa niya ang mga action scenes.

Pero mas natuwa kami sa location ng taping kung saan gagawin ang mga action scenes suot ni Alden ang naturang costume.

Ang ganda ng location na hindi ko muna babanggitin kung saan.

Pero bandang first week of July ay kukunan na nila doon ang mga actions scenes suot ang bonggang costume ni Victor Magtanggol.

Samantala, natuwa naman daw si Alden nang nakarating sa kanya na gusto siyang makasama ni Kris Aquino sa pelikula.

Gustung-gusto rin daw niyang makatrabaho si Kris dahil isa raw sa mga pangarap din niyang makatrabaho ang mga magagaling at beteranong artista kagaya nina Kris, Vilma Santos, Aga Muhlach at Gabby Concepcion.

May bumulong nga sa aming si Alden daw ang gustong kunin ng isang producer na isama kay Cong. Vilma Santos sa isang pelikula. Pero wala pang na-finalize sa Star for All Seasons kung gagawin niya ang naturang project.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with