^

PSN Showbiz

Binoe heneral ang turing kay Piolo, Daniel hindi napasama sa Marawi

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Binoe heneral ang turing  kay Piolo, Daniel hindi napasama sa Marawi
Piolo at Robin

Malapit nang simulan ang shooting para sa Marawi film na pagbibidahan ni Robin Padilla. Si Joyce Bernal ang magdidirek at si Piolo Pascual naman ang tumatayong producer ng pelikula. Excited na si Binoe dahil makakapag-shoot na ang kanilang buong grupo. “Konti na lang, na-approve na lahat ng sector, mag-shooting na lang kami. Natuwa lang ako dahil ayon kay Heneral Piolo Pascual, involved ang ABS-CBN,” nakangiting bungad ni Robin.

Makakasama ng aktor sa malaking proyektong ito ang ilang Kapamilya stars. Isa dapat si Daniel Padilla sa mga magbibida sa pelikula kaya ikinalungkot ni Binoe ang hindi pagkakasama ng pamangkin dito. “Mas maganda kung si Heneral Piolo ang magkwento sa inyo about the other cast. Nalungkot ako no’ng hindi na si Daniel ang nakakuha (ng role), medyo nalungkot ako,” pagtatapat ni Robin.

Para sa aktor ay maraming matututunan ang bawat Pinoy sa kanilang gaga­wing pelikula. “’Yung message ng nangyari sa Marawi, hindi natin dapat makalimutan ‘yon. Hindi dapat malaos sapagkat ‘yon ay past, present and future situation ng ating bansa,” makahulugang pagtatapos ng aktor.

Ilang beses nang nakabisita si Robin sa Marawi kaya nasaksihan nito mismo ang kalagayan ng lugar. Patuloy na nagbibigay ng tulong ang aktor upang makabangong muli ang Marawi.

Khalil madalas ka-hangout si Gabbi

Ilang buwan na ang nakalilipas nang magsimulang maugnay si Khalil Ramos sa Kapuso actress na si Gabbi Garcia. Madalas umanong nakikitang magkasama kaya nagkaroon ng mga espekulasyon na may espesyal nang namamagitan sa dalawa. “It’s nothing more than a friendship. We’re just really close. We have a lot of common friends,” paglilinaw ni Khalil.

Aminado naman ang aktor na madalas silang nagkakasama ng dalaga at iba pang mga kaibigan sa show business katulad nina Julia Barretto at Pat Sugui.  “We hang out a lot. And ‘yung circle kasi namin very adventurous. So we go to like you know, carts. Wala, we’re free kasi we were doing TV shows (before). So we didn’t see each other for a long time. So now that most of us are free like sina Julia at Pat, we often go out, hang out and spend time together,” pagbabahagi ni Khalil.

Matatandaang ang aktor ang nagdirek ng kauna-unahang music video ni Gabbi para sa kantang All I Need na sa Hong Kong pa kinunan noong isang taon.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with