Hindi na talaga maabot si Dra. Vicki Belo dahil full-page lang naman ang article tungkol sa kanya na inilabas sa lifestyle section ng South China Morning Post, ang number one newspaper sa Hong Kong.
“Skin doctor Vicki Belo on how cosmetic surgery empowers you, and her biggest wish: to give Philippines an image makeover” ang title ng article na isinulat ni Vincenzo La Torre.
May kahabaan ang article dahil pinag-usapan ang childhood ni Vicki at ang pagsisimula ng career niya bilang skin and beauty doctor.
Pinag-usapan din ang pagiging one-stop shop ng mga clinic ni Vicki na unang nagpakilala sa Pilipinas ng Botox, Thermage at lasers para sa cosmetic surgery.
Ang ganda-ganda ng pagkakasulat ng article kaya sure ako na maraming Chinese ang lalong makukumbinsi na bumisita sa Pilipinas para i-try ang sari-saring klase ng beauty treatments sa Belo Medical Clinic na malaking boost sa tourism industry ng bansa natin.
Actually, si Vicki ang itinuturing na “best-kept secret” ng mga sosyal na Hong Kong women at kinumpirma ito ng writer ng South China Morning Post.
Belo, who at 62 doesn’t look her age, has been one of Hong Kong social set’s best-kept secrets for years, and her Hong Kong clients often make day trips to Manila for procedures at one of her clinics.
In the Philippines Belo is a bona fide celebrity.She has 1.4 million Instagram followers, is mobbed wherever she goes, and regularly appears on the society pages of the national tabloids.
Being “belofied”, shorthand for getting a beauty makeover, has become a common and affectionately used expression among the elite, both male and female.