Vice at Richard
Vice si Richard ang napisil na itapat kay Coco
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2018 - 12:00am

Nalaman namin kay Boss Vic del Rosario ng Viva na si Richard Gutierrez umano ang gustong makasama ni Vice Ganda sa kanyang gagawing Metro Manila Film Festival movie this year na horror-comedy ang tema.

Kung mag-aalyansa sa MMFF sina Vic “Bossing” Sotto at Coco Martin at kung saan kasama raw si Maine Mendoza, hindi naman daw ito rason para maalarma ng MMFF box office star na si Vice na ayaw pang i-reveal kung sinu-sino pa ang makakasama niya sa bagong niyang MMFF movie at kung sino ang director nito dahil nag-beg off umano si Direk Joyce Bernal.

Very confident si Vice maging ang production ng pelikula (Star Cinema at Viva Films) na mangu­nguna pa rin sa takilya ang entry ng singer-comedian-TV host (ng Gandang Gabi Vice and It’s Showtime) kapag ito’y nakapasok sa MMFF.

Ang top four among the eight official entries ay nakatakdang I-release ng MMFF screening committee ngayong June 15.

Prince Harry tinigil ang bisyo 

Alam mo ba, Salve A. na dahil sa sobrang pagmamahal ni Prince Harry (Duke of Sussex) sa kanyang misis na ngayon na si Meghan Markle (now Duchess of Sussex) ay huminto na siya sa kanyang social smoking?

Non-smoker si Meghan kaya ayaw niya ang kanyang mister na manigaril­yo bagay na ginib-ap ng prinsipe bago pa man sila ikinasal nung nakaraang May 19 na ginanap sa St. George’s Chapel ng Windsor Castle.

Dahil sa marriage nina Prince Harry at Meghan, may kani-kanyang isinakripisyo ang dalawa at kasama na rito ang pag-give-up ni Meghan ng kanyang acting career, her American citizenship at maging ang kanyang religion.  May mga royal tradition naman ang na-break dahil sa pagpapakasal ni Prince Harry sa isang American commoner at divorcee pero ang lahat ng ito’ y na­ging posible in the name of love.

Viva at OctoArts magsasanib-pwersa na  sa pagpoprodyus

Bihirang magsama sa isang okasyon ang dating business partners ng Vicor Music Corporation, ang magpinsang Vic del Rosario ng Viva at Orly Ilacad ng OctoArts pero muling nagkasama ang dalawa sa unang wake ng ina ni Boss Vic (del Rosario) na si Mommy Dely del Rosario (97) last Thursday evening sa Mt. Carmel Chapels.

Palibhasa’y bihirang magkita at magkakuwentuhan, tila nag-catch-up ang mag-pinsan at inabot ng mahigit tatlong oras ang kanilang kuwentuhan.

Sina Boss Vic at Boss Orly ang nagtatag ng Vicor Music Corporation in 1965, ang No 1 record company in the 70’s hanggang sa maghiwalay ang magpinsan in December 1977 at mag-up ng sarili nilang mga kumpanya, ang Viva for Boss Vic at OctoArts for Boss Orly na parehong lumago.

In the course of their conversation, naungkat ang possible nilang partnership sa ilang future movie projects. After all, ang partnership sa pagpu-produce ng pelikula ay siyang kalakaran ngayon.

For the longest time, halos lahat ng Metro Manila Film Festival entry ni Vic Sotto ay co-produced ng OctoArts Films ni Boss Orly at ng M-Zet Films ni Bossing (Vic) at kasali na rin ngayon ang APT Entertainment.  Bukas din ang Viva sa pakikipag-alyansa sa iba’t ibang film outfits tulad ng Star Cinema, GMA Films, N2 Productions, Spring Films at iba pa.

Kapag natuloy ang partnership ng Viva Films at OctoArts Films sa ilang movie projects, tiyak na marami ang matutuwa.

Samantala, marami ang hindi nakakaalam na ang big boss ng TAPE, Inc. (producer ng Eat Bulaga) at APT Entertainment na si G. Tony Tuviera ay dating drummer ng Orly Ilacad and the Ramrods band (combo pa noon) nung dekada `60? Look kung nasaan na ngayon si Mr. T (Tuviera)?

RICHARD GUTIERREZ VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with