^

PSN Showbiz

Male personality hinuhulaan na ang pagkatalo!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nasa plano pala ng isang male personality ang pagpasok sa mundo ng pulitika sa susunod na eleksiyon. May mga kaibigan daw ang aktor na nang-eengganyo sa kanya para kumandidato.

Pero ngayon pa lang ay mukhang nakaabang na ang pagkatalo ng male personality, hindi kabanguhan ang kanyang pangalan sa lugar kung saan siya lumaki, maraming kuwento ang mga tagaroon tungkol sa aktor.

“Naku, piso manalo ng upos, matatalo lang ang lalaking ‘yun na mismong bayan nila kapag natuloy ang plano niyang kumandidato. Siguradong landslide ang pagkatalo niya kapag nagkataon!

“Paano siya kakandidato sa bayan nila, e, mula nu’ng naging artista siya, ni hindi man lang siya nagkaisip na magbalik sa bayang pinanggalingan niya? Magtigil siya, hindi niya magagamit ang kakarampot lang namang popularity niya para manalo siya!

“Hanggang ngayon, natatandaan pa ng mga kababayan niya ang ginawa niyang paniningil nang napakalaking talent fee nu’ng mag-fiesta sa kanila. Dapat nga, e, hindi na siya magpabayad dahil bayan naman niya ‘yun!

“Mga kaibigan at kababayan niya naman ang kakantahan niya, ang pasasayahin niya, pero naniningil pa siya ng talent fee na sobra-sobra! Hindi naman siya sikat, napapanood lang siya sa TV, pero ang laki-laki na ng pagbabago sa kanya nu’ng mag-artista na siya.

Hanggang maaari ay pinapayuhan na ng kanyang mga kababayan ang aktor na huwag nang ituloy ang kanyang pagkandidato. Gagastos lang siya, mapapagod, pero nganga ang kalalabasan ng kapalaran niya.

“Nu’ng minsan siyang umuwi dahil may aasika­suhin siyang mga papeles daw, e, nabuwisit sa kanya ang mga kapitbahay nila. pinaharurot niya ang kotse niya, napakaalikabok tuloy, kaya inis na inis sa kanya ang mga kapitbahay nila!

“Ganu’n siya kaporma mula nu’ng mag-artista na siya, wala na siyang kilala sa bayan nila, ipinagmamayabang na niya ang pagkaartista niya. E, ang tanong, nasaan na ba siya ngayon?

“Baka nga kaya gusto na niyang pumasok sa pulitika, e, dahil wala na siyang mga projects! Magkaroon man siya ng show, e, kontrabida pa ang role niya!

“Sayang lang ang name niya na pinaghalong pangalan ng isang sikat na sikat na international female performer at ng isang dating sexy star!” panghuling kuwento ng aming impormante.

Ubos!

Ara sira ang image sa mga lalaki

Hanggang ngayon ay tahimik lang si Ara Mina tungkol sa kuwento ng pagkakabu­king sa kanya ng karelasyon ng isang pulitiko. Ang tanging sinabi ng aktres ay huwag na raw sanang mangdamay pa ng ibang tao ang mga nagkakalat ng istorya.

Pero habang nananahimik si Ara ay lalong umiinit ang isyu, hinihingi ng marami ang kanyang paliwanag, totoo ba o hindi ang relasyon nila ng pulitikong nahuli ng dapat sana’y pakakasalan na nito?

Kunsabagay ay sanay na naman ang publiko sa pananahimik lang ni Ara Mina kapag nakakaladkad ang kanyang pangalan sa mga ganitong usapin. Naniniwala siya na kapag nagsalita siya ay magsasalita rin ang kabilang panig na lalo pang magpapalaki sa kontrobersiya.

Nakakaawa rin si Ara Mina kung tutuusin. Ang dami-daming kuwento ng agawan ng karelasyon na ibinibintang sa kanya. Maraming naaalala ang showbiz sa mga pinasukan niyang relasyon na pamilyado na ang lalaki.

Sabi ng isang nakamasid lang sa mga nagaganap kay Ara, “That must be the reason kaya walang lalaking tumototoo sa kanya. Hindi maganda ang image niya, hindi rin magandang ang public perception sa kanya.”

At nagtatrabaho naman siya, aktibo naman siya sa pag-arte, pero ang iniisip ng mas nakararami ay galing ang pera niya sa pakikipagrelasyon sa maya­yamang negosyante at pulitiko.

Nawawalan tuloy ng saysay ang kanyang mga pagsasakripisyo, binabalewala ng iba ang kanyang pagtatrabaho, dahil palaging nauugnay ang kanyang pangalan sa mga lalaking mapera.

Nagsisikap siya para sa mga pangangailangan ng kanyang anak, kahit pa sustentado naman ng ama ang bata, pero sa huling pagtutuos ay si Ara Mina pa rin ang nagiging kontrobersiyal dahil sa takbo ng kanyang lovelife na palaging may sabit ang kinakarelasyon niya.

Sabi nga ng mga milenyal, huhuhuhuhuhu!!! Napakasaklap naman ng mga nangyayari kay Ara.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with