^

PSN Showbiz

Kinababaliwan nina Anne at Sharon magko-concert sa bansa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kinababaliwan nina Anne at Sharon magko-concert sa bansa!
Gong Yoo

Congrats kay Senator Tito Sotto dahil siya ang nahalal na bagong Senate President at confident ako na magagampanan niya nang buong husay ang tungkulin na ipinagkatiwala ng kanyang mga kasamahan sa senado.

Ang balita ko, hindi muna mapapanood si Tito Sen sa Eat Bulaga dahil gusto niya na mag-focus sa kanyang mga responsibilidad bilang pangulo ng senado kaya sure na mami-miss siya ng loyal viewers ng number one noontime show ng bansa.

Maraming salamat kay Manay Marichu Vera Perez Maceda dahil siya ang host kahapon ng lunch para sa extended birthday cele­bration ko.

Thank you din sa mga invited guest ni Manay na matiyaga na pinaalalahanan ni Dolor Guevarra, sina Mother Lily Monteverde, Betchay Nakpil, Veana Fores, Rica Maceda at ang karakter na si Bernard Cloma na hindi nauubusan ng mga kuwento.

Si Bernard ang source ng balita na magkakaroon ng concert sa Pilipinas ang Korean superstar na si Gong Yoo.

Sinabi ni Bernard na nakikipag-negotiate pa sila ng kanyang mga business partner sa kampo ni Gong Yoo na favorite actor nina Kuya Kim Atienza, Anne Curtis at Sharon Cuneta.

At bilang hindi pa tapos ang negosasyon, walang naikuwento si Bernard tungkol sa venue at exact date ng concert ni Gong Yoo na lalong sumikat dahil siya ang bida ng blockbuster movie na Train to Busan at Korean series na Goblin.

Jameson-Janella Movie, Relatable

Maraming kuwento sa birthday treat ni Manay Ichu para sa akin pero off the record ang karamihan kaya hindi puwedeng i-share sa readers.

Basta ang sabi ni Mother, maganda ang So Connected at magaling na artista sina Janella Salvador at Jameson Blake.

Ngayon ang opening day sa cinemas nationwide ng So Connected. Hoping si Mother na tatangkilikin ng moviegoers ang bagong pelikula ni Janella, kahit hindi si Elmo Magalona ang leading man niya.

Gandang-ganda si Mother sa istorya ng So Connected as in naka-relate siya sa kuwento ng pelikula nina Janella at Jameson, kesehodang pang-millennials ang bagong movie project ng Regal Entertainment Inc.

Pelikulang prodyus ni Boy at VM Joy nagpaiyak sa mga nanood!

All praises din si Mother sa pelikula na joint production venture nina Boy Abunda at Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte, ang Trilogy of Love Stories.

Nag-attend si Mother sa premiere ng pelikula na nagpaiyak daw sa kanya. Sa ganda ng movie project nina Boy at Joy, nag-promise si Mother na willing siya na tumulong sa distribution ng Trilogy of Love Stories na timely ang showing sa commemoration ng International Day Against Homophobia, Transphobia at Biphobia.

Ang Boy Abunda and Joy Belmonte Originals ang producer ng Trilogy of Love Stories na pinupuri ng manonood.

Personal na pinasalamatan nina Boy at Mama Joy si Mother Lily dahil sa pagdalo nito sa premiere ng Trilogy of Love Stories na ginanap sa Trinoma Cinema noong  nakaraang linggo.

Tsikahan kay Sec. Berna hinihintay na

Hindi matutuloy sa linggong ito ang lunch date namin kay newly-appointed Department of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat dahil may conflict sa schedule pero sure na mangyayari sa mga susunod na araw ang aming meet-and-greet sa kanya.

Looking forward ako sa pagkikita namin ni Secretary Berna dahil gusto kong malaman ang changes na magaganap sa Department of Tourism at ang mga plano niya.

Sayang dahil nag-resign noong Lunes si Cesar Montano bilang chief operating officer ng Tourism Promotions Board kaya hindi na sila magkakaroon ni Secretary Puyat ng mga proyekto para lalong umunlad ang tourism industry ng Pilipinas.

vuukle comment

GONG YOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with