BFF ni John Lloyd pumiyok kung gaano ito kasaya sa piling ni Ellen

John Lloyd at Ellen

Naging malapit na magkaibigan sina John Lloyd Cruz at komed­yanteng si Jobert Austria dahil nagkasama ang dalawa sa sitcom na Home Sweetie Home. Tinulungan pa umano ni John Llloyd noon ang komedyante sa mga personal na problema nito.

At ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan ang kontrobersyal na mga larawan nina John Lloyd at Ellen Adarna sa isang beach sa Palawan.

Ayon kay Jobert ay nagkausap pa sila ng aktor bago pumunta sa Palawan ang dalawa. “Hindi pa siya (Ellen) nanganganak. Hindi totoong nanganak na. Pinapangunahan lang ng mga tao, pabayaan n’yo na sila,” makahulugang pahayag ni Jobert.

Para sa komedyante ay nakikita niya ang pagiging masaya ni John Lloyd sa kasalukuyan. “Mali ‘yung mga sinasabi nila na hindi siya masaya. Masayang-masaya siya ngayon, nakita ko siya eh. Sabi ko nga, mami-miss mo rin ‘yan. Sabi niya siguro pero sa ngayon hindi ko pa iniisip,” pagbabahagi ng komed­yante.

May pakiusap din si Jobert sa mga taongpatuloy na naninira kay John Lloyd. “Kung mahal n’yo talaga si John Lloyd, kasi ang dami naman niyang naibigay sa inyo no’n eh, pinasaya niya kayo. Ang dami din niyang na-encourage dati. Ang tao normal lang na nagkakamali, ‘wag n’yo na siyang sak­yan sa likod para lumubog,” pagtatapos ni Jobert.

Megan naghahanda na ring mag-asawa’t magkaanak

Pitong taon nang mag­kasintahan sina Megan Young at Mikael Daez. Ayon sa actress-beauty queen ay nagiging emos­yonal siya sa tuwing na­kakakita ng magkasintahan na nagpapakasal katulad noong kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia kamakailan. “Happy ako for them kasi weddings always bring tears to my eyes. Saka kahit hindi ko kilala ‘yung tao, parang past time ko na manood ng wedding videos. I just like seeing people happy. It’s something that really makes me happy,” naka­ngiting kwento ni Megan. Dalawampu’t walong taong gulang na ngayon ang dalaga at aminadong nangangarap na ring magkaroon ng sariling pamilya. “No pressure naman sa amin na magpakasal. We’re both busy with work. Enjoy-enjoy na lang muna and when we feel that the time is right, ‘yon na ‘yon. In the future I want to be able to have my own household and take care of my family in the future. That’s my goal, ayoko rin naman na I’d be too old to have children. Ayokong duma­ting sa punto na mahihirapan na ako magkaanak. Kahit na sinasabi kong it’s not gonna happen now, siyempre it’s in the semi-near future na rin. Pinaplano ko rin ‘yan. I need to prepare my body and my health para when these things happen, kaya lagi n’yo akong nakikita na nagwo-work out. Gusto ko fit ako ‘pag nagkaroon na ako ng anak. I think it’s in preparation for a lot of things, not just for having kids, but also for my health,” pagtatapat ng Miss World 2013.

Show comments