Nora tuloy ang laban ng kaso sa mga kamag-anak!
(Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2018 - 12:00am

Seen : Ang denial ni Nora Aunor na nanalo siya sa kaso laban sa kanyang mga kamag-anak na inangkin ang mga ari-arian niya sa Bicol.

Patuloy pa rin ang pagdinig sa kaso ang sabi ni Nora na nagdiwang kahapon ng 65th birthday sa kanyang hometown sa Bicol.

Scene : Winnable na senatorial candidate si Agot Isidro ang paniniwala ng mga dilawan at ng mga galit kay President Rodrigo Duterte. Hinihimok si Agot ng Liberal Party na tumakbong senador sa halalan sa 2019.

Seen: Ang press release na nag-enjoy sina Joshua Garcia at Julia Barretto na katrabaho si Kris Aquino sa I Love You Hater ng Star Cinema. Mababaw ang press release dahil imposible na sabihin nina Joshua at Julia na hindi nila nagustuhan na co-star si Kris.

Scene : Ang dinner ni Kris Aquino at ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby sa isang Japanese restaurant sa Pasig City noong Biyernes. Kasama ng mag-iina ang staff ng Kris Aquino Production ni Kris.

Seen : Star studded ang gabi ng parangal ng 49th Box Office Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na ginanap noong Linggo sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila. Sina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Alden Richards, Vice Ganda at Gabby Concepcion ang ilan sa maraming sikat na showbiz personality na dumalo.

Scene : Si Assunta De Rossi ang “leading lady” ni Luigi Revilla sa pelikulang Tres ng Imus Productions. Anak si Luigi ni Bong Revilla, Jr. na leading man ni Assunta sa 2002 movie na Kilabot at Kembot.

Scene: Pakakasalan ni Senator Koko Pimentel sa October 2018 ang kanyang girlfriend na si Kathryna Uy. Annulled na ang kasal ni Pimentel sa former beauty queen na si Jewel May Lobaton.

AGOT ISIDRO NORA AUNOR RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with