Agot inuudyukang mag-senador, isasabong kay Mocha sa eleksyon!
PIK PAK BOOM - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - May 22, 2018 - 12:00am

PIK: Sa gitna ng promo ng pelikulang Sid and Aya, ginagampanan pa rin ni Dingdong Dantes ang kanyang responsibilidad bilang volunteer ng Philippine Navy.

Nung nakaraang Sabado lang ay bahagi siya sa malaking Fun Run ng Philippine Navy at tuwang-tuwa siyang nakatakbo ng pitong kilometro.

“Masaya talaga na makibahagi sa ganitong event. Kasi it’s a family day especially for the Philippine Navy.

“This is a yearly event at parami nang parami ang mga participants. Maganda sana na kahit mga non-navy ay makasali…I think they’re raising funds also,” pahayag ng Kapuso Primetime King.

Two years nang bahagi si Dingdong sa taunang event na ito ng Philippine Navy dahil gusto raw niya talagang active pa rin siya magmula nang pumasok siyang volunteer nung 2006.

PAK: Wala pa kaming ideya kung kailan na magsisimula ang The Clash ng GMA 7 na ihu-host ni Regine Velasquez.

Ang pagkakaalam namin sa weekend daw ito, kaya curious kami kung sa anong oras dahil kasisimula lang ng Lip Sync Battle at maganda naman ang performance ng Celebrity Bluff.

Ang narinig kasi namin, merong tsutsugihing prog­rama para ibigay ang oras na iyun sa The Clash ni Regine.

Ano kayang weekend program ang magpapaa­lam para sa timeslot ng The Clash?

BOOM: Naka-live sa Facebook account ng da­ting Sen. Jinggoy Estrada ang pagsasalita niya sa ilang grupo ng mga kababayan natin sa Michigan, USA.

Mukhang hindi naman ganun kalaking event, pero inimbita siya at meron talagang ganung pag­titipon.

Nilinaw ni Sen. Jinggoy na hindi siya puwedeng mag-imbento ng kung anu-ano para lang payagan siya ng Sandiganbayan na makalabas ng bansa.

“Hindi ko po kayang gawin o tangkaing gawin. Because even a tiny and insignificant mistake can cause me my liberty.

“Why would I? Eh napakahirap ng kalagayan namin sa kulungan,” bahagi ng pahayag ni Sen. Jinggoy.

Kailangang sundin daw niya ang mga nakasaad na kundisyones para hindi ito magiging dahilan ng pagkakansela ng kanyang pansamantalang kalayaan, habang nililitis pa ang kanyang kaso.

Sa kabuuan ng speech ni Sen. Jinggoy ay wala siyang binanggit na sasali siya sa 2019 elections.

Pinuri niya ang liderato ni Pres. Rodrigo Duterte lalo na ang laban nito kontra droga.

Samantala, napapag-usapan na rin ngayon ang pagtakbo sa pulitika.

Ang latest kasing narinig namin ay kinukum­binse raw si Agot Isidro na tumakbong senador sa ilalim ng partido nina Sen. Kiko Pangilinan.

Binanggit kasi ni Sen. Kiko sa panayam sa kanya ni Karen Davila na isa raw sa kinukumbinse nilang sumali sa partido nila ay si Agot. Pero wala pang sagot si Agot kaugnay dito, dahil mukhang wala namang hilig itong sumali sa magulong mundo ng pulitika.

Baka mamaya, makalkal pa ang mga nakaraan niyang isyu, at type kaya niyang magtatapat sila ni Mocha Uson kung sakali?

AGOT ISIDRO MOCHA USON SID AND AYA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with