^

PSN Showbiz

Christian ‘di nakaiwas maging bading

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Christian �di nakaiwas   maging bading
Christian

Bakasyon si Christian Bables sa social media. Pansamantala, hindi n’yo muna siya, mapada­dalhan ng message at ang pinakagusto niya, ang hindi ma-bash.

Sa kabila ng balita na umiiwas na siya sa gay roles after Die Beautiful, ginawa pa rin niya ang short film na A Love Story in the Time of HIV na isa ring gay role ang ginagampanan niya. Isa ito sa tatlong istorya na nakapaloob sa short film. Producer ng film sina Boy Abunda at QC Vice Mayor Joy Belmonte. Bukod dito, mayroon pa rin siyang dalawang pelikula na tinanggap.

KathNiel ginagawang panghatak ni Karla

Kung ano mang project mayro’n si Karla Estrada, can her son, Daniel Padilla, or even the KathNiel, be far behind?

Ganun silang klaseng pa­milya, at magiging kapa­milya pa lang, supportive sa isa’t isa. Tulad na lamang ng mo­vie nito under Arctic Sky Productions na Familia Blandina. May special appearance ang love­team sa movie. Bida si Karla sa pelikula kung saan kapareha niya si Jobert Austria.

Si Jobert kung ‘di n’yo natatandaan ay ang karakter sa Banana Sunday na madalas bugbugin at api-apihin ng mga kasama niya. Pero, sa gag show siya tumanggap ng award bilang Best Comedy Actor.

Derrick, Kim at Juancho pinag-aral ng Cebuano

Nahirapan sina Derrick Monasterio, Kim Rodriguez at Juancho Trivino sa serye nilang Inday Will Always Love You dahil may dialogue sila sa Bisaya. Okey si Juancho dahil sa Cebu siya lumaki at nakakaintindi ng Cebuano. Dito rin ang setting ng movie pero, ang mga kasamahan nila, pati na si Barbie Forteza ay pawang mga taga-Maynila kaya nahirapan sila.  Mabuti na lamang at may kinuha para magturo sa kanila ng Cebuano.

Maricris gagastusan ang sariling concert

Hindi pahuhuli si Maricris Garcia sa dalawang nakasama niya sa grupong La Diva na sina Aicelle Santos at Jona Viray. Kahit siya pa mismo ang nagprodyus ng kanyang first major concert na magaganap sa Sept. 28 sa Teatrino Greenhills ay okay lang, ang importante ay matulungan niyang mai-push ang kanyang sarili.

Balak niyang mag-release ng bagong single. Kung gugustuhin niya ay pwede siyang makasama sa Miss Saigon UK Tour kaya lamang ay bagong kasal siya kaya tumanggi at nagpasya siyang manatili dito.

vuukle comment

CHRISTIAN BABLES

DERRICK MONASTERIO

DIE BEAUTIFUL

KARLA ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with