Mayor Herbert at Kris, holding hands nang nanonood ng sine!
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2018 - 12:00am

May nakakuha ng photos na nanood ng Kasal sa Trinoma last Thursday sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino. Documented ang panonood nila ng sine dahil may mga litrato habang nasa labas palang sila ng sinehan hanggang nasa loob na ng theater at magkatabing nanonood.

Halatang ayaw ipaalam ni Kris ang panonood nila ni Mayor Herbert ng Star Cinema movie dahil hindi niya pinost sa socmed. Kaso lang, marami ang nakakita sa kanila sa Trinoma at marami ang kumuha ng picture. May nakita pa nga kaming picture online na magka-holding hands sina Kris at Herbert.

Hindi naman puwedeng sabihing nagkita lang sina Herbert at Kris sa Trinoma dahil parehong toxic ang schedule nila at kailangang ayusin bago lumabas. Nakaka—gulat lang na kung kailan gustong makabalita ang tao, lalo na ang Herbert-Kris shippers, saka tahimik si Kris.

Gustong malaman kung sino ang nagyaya kina Kris at Herbert at kung ano ang masasabi nila sa movie na tungkol sa kasal at kung nag-throwback ba sila sa hindi natuloy nilang kasal?

Ara at ex nila ni Aiko magsasama

Imbitado ni Ara Mina si Aiko Melendez sa in-organized niyang tARA na sa ARenA 2018 fun run na ang beneficiary ay ang Down Syndrome Association of the Philippines at gaganapin sa May 27, sa Philippine Arena. As of yesterday, wala pang final na sagot si Aiko.

“Inimbita ko siya (si Aiko) at sabi niya, itsi-check ang schedule niya, pero kung wala siyang taping, sasali siya. Ginawa talaga namin ni Coach Rio na 5pm., ang fun run para hindi ma-stress ang showbiz friends na gumising ng maaga para makasali,” sabi ni Ara.

Nabanggit ni Ara sina Diana Zubiri, Jessa Zaragoza, Dingdong Dantes, Ken Chan, LJ Moreno, Jimmy Alapag, at marami pang iba na sasali sa fun run. Para mas masaya, may celebrity bazaar at may concert sa gabi na ang main performer ay si Martin Nievera.

Pati raw si Bulakan, Bulacan Mayor Patrick Meneses ay inimbita niya, kaya kung darating ito at darating si Aiko, magkikita-kita silang tatlo.

Lotlot inilantad ang pambo-boycott nilang magkakapatid kay Nora

In-off ni Lotlot de Leon ang comment box sa pinost na picture na magkakasama sila ng mga kapatid na sina Ian de Leon, Matet de Leon at isa pang kapatid na hindi kami sure kung si Kiko o si Kenneth. Mukhang noong Mother’s Day sila nagtipun-tipon at lalong masaya ang okasyon dahil present din ang mga anak ni Lotlot, anak ni Ian at anak ni Matet. Nasa picture rin ang asawa ni Ian, asawa ni Matet at boyfriend ni Lotlot.

Understandable kung bakit in-off ni Lotlot ang comment box, tiyak na may magtatanong kung bakit wala si Nora Aunor at hindi maiiwasang may mam-bash sa kanilang magkakapatid dahil wala si Nora o hindi nila inimbita sa masayang okasyon.

QUEZON CITY MAYOR HERBERT BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with