Aktres na dating mabisyo, natubos ang mga naisanla nang magka-dyowa ng pulitiko
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - May 17, 2018 - 12:00am

Malaking-malaki ang naging pagbabago ng buhay ng isang kilalang female personality mula nang makarelasyon niya ang isang kilalang pigura sa isang bayan sa bandang Norte.

Hindi na siya nakikita sa isang lugar na matao, mausok at maingay, samantalang nu’ng hindi pa sila nagkakakilala ng pulitiko ay palagi siyang nakikita du’n ng ating mga kababayan na pindot nang pindot ng kaharap niyang makina, mainit ang ulo niya kapag natatalo.

Kuwento ng aming source, “Mukhang maganda ang influence sa kanya nu’ng guy, parang nababantayan siya nu’ng lalaki, dahil hindi na siya nagbibisyo ngayon. Ewan lang, baka naman lumipat lang siya ng lugar!

“Pero wala na siya sa dating ginagawa niyang tambayan, hindi na siya napagkikita du’n mula nu’ng maging sila na ng politician na hiwalay sa misis.

“Kung ganu’n nga ang nangyayari, e, nakaganda ‘yun sa girl, magandang magdala ng relasyon ang politician, dahil naiiwas niya sa pagbibisyo ang kilalang female personality,” unang kuwento ng aming impormante.

May kuwento rin na maluwag sa pananalapi ang lalaki, ibinibigay nito ang mga kapritso ng babae, kaya hindi na siya nagkakautang-utang at nagsasanla ng kanyang mga kagamitan.

Aminin naman ng girl, dahil sa pagbibisyo niya nu’n, e, maraming branded stuff niya ang ipinasasanla niya sa isang kaibigan niya. Kailangan niya kasi ng puhunan kung nangangati-ngati ang mga kamay niya sa pagpindot sa mga machines na inuupan niya nang matagal na panahon.

“Instead na magsanla, e, natubos na rin pala ng girl ang mga nai-pawn niyang branded na kagamitan, maganda talagang influencer ang politician, kung ganu’n! Huwag na sanang bumalik pa sa dati ang aktres na ito na nauwi lang sa pagbibisyo ang perang pinaghihirapan niya.

“Magtrabaho na lang sana siya nang magtrabaho, tutal naman, e, magaling siyang aktres, hindi siya mawawalan ng work kung magpapakadiretso na siya sa pagdisiplina sa sarili niya.

“Aray ko! Kailangan na talaga niyang magbago, hindi na siya bumabata, kailangan na talaga niyang ituon ang panahon niya sa kanyang sarili at sa mga anak niya na rin,” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kung kailan mga tumanda saka naging malaswa, Troy at Aubrey Exhibitionist!

Tama ang opinyon at obserbasyon ng ating mga kababayan na kung kailan naman nagkakaedad na sina Troy Montero at Aubrey Miles ay saka pa sila nagmistulang exhibitionist.

Maraming hindi nagkakagusto sa kanilang mga sinasabi at ginagawa, pang-porn na raw ang mga larawan nilang naglalabasan sa social media, pati ang kanilang mga kuwento ay ikinawiwindang ng mga kababayan natin.

Nakapagtataka naman kasi talaga ang pinagkakasunduang trip ngayon ng magkarelasyon, hindi sila dating ganyan, tahimik ang kanilang buhay. Nagnenegosyo sila, busy sa kani-kanilang trabaho, pero ngayon ay parang ang dami-dami na nilang oras na inilalaan para sa mga bagay-bagay na hindi nakagaganda sa kanilang pagkatao.

Kung tawagin sila ngayon ay mga exhibitionist dahil sa mga hubad-hubad nilang larawan na sila pa mismo ang naglalantad sa kanilang mga social media account.

Bukod du’n ay ikinukuwento pa nila sa harap mismo ng mga camera ng telebisyon ang mga nakawiwindang nilang karanasan sa pagtatalik. Tama bang ipagbuyangyangan nila ang mga kuwentong dapat ay sila lang ang nakakaalam at ang tanging saksi lang ay ang kanilang kuwarto?

Pero iba ang kanilang mga kuwento na ikinahihibang ng matatanda at hindi sinasang-ayunan ng mga mas nakababata, pang-porno na nga naman ang kanilang mga sinasabi, tulad ng paglalantad nila kung paano nila nagawa ang pagtatalik sa eroplano.

Hubad-hubad din daw si Troy sa kanilang bahay, kaya tanong ng ating mga kababayan, silang dalawa lang ba ang namumuhay? Paano ang kanilang mga anak na nakakakita kay Troy na hubo’t hubad?

Kung ang hanap nina Troy at Aubrey ang papansin dahil wala silang gaanong trabaho bilang mga artista at baka makalimutan na sila ng publiko ay nagtagumpay sila.

Ipinuhunan ng magkarelasyon ang kanilang mga katawan, ipinasilip nila ‘yun sa buong bayan, ipinarinig din nila ang mga censored na kuwento na kahit mismong pamilya nila ay siguradong kokontra, at hindi magkakagusto.

AUBREY MILES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with