^

PSN Showbiz

Solenn hindi na iniisip ang magiging hitsura pag nabuntis!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Solenn hindi na iniisip ang magiging hitsura pag nabuntis!
Solenn

Magdadalawang taon nang kasal sa May 21 sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico. Matatandaang sa France pa ginanap ang pag-iisang dibdib ng mag-asawa noong 2016.

Hanggang ngayon ay wala pang anak ang dalawa at ayon kay Solenn ay posibleng sa susunod na taon na siya magbuntis. “Next year but not this year. Hindi pa t­iming ngayon but we will eventually get there. Hindi ko sasabihin, hindi ako magtu-tweet or mag-a-IG ‘pag nangyari ‘yon. Baka ‘pag 6 months (na buntis), malalaman n’yo,” natatawang pahayag ni Solenn.

Hindi umano nangangamba ang model-actress na magbago ang kanyang magandang pa­nga­ngatawan kung sakaling magbuntis at manganak. “Well, di naman nakaka-worry because there’s way of maintaining. Siyempre naman, makikita mo like si Ina Raymundo, ilan ‘yung mga anak niya, mas fit pa siya kesa sa mga 20-year old that you see. Alam ko may career would change. Baka hindi na maging sexy ‘yung title ko or baka magiging sexy rin in a different way, pero okay lang naman,” paliwanag ni Solenn.

Ka Tunying tutok sa negosyo

Aminado si Anthony Taberna na marami ang humihikayat sa kanya na pasukin ang mundo ng pulitika.

Kilala si Ka Tunying bilang isa mga pinakamagaga­ling na mamamahayag sa bansa. May mga nanga­ko na umano sa kanyang magbibigay ng tulong-pinansyal kung sakaling sumabak sa pulitika. “Actually marami, sa katunayan ‘yung iba nangangako pa ng funding para sa ibang tulong ng campaign natin. Pero sa tingin ko ngayon ay malayung-malayo pa sa isip natin ‘yon,” pagtatapat ni Ka Tunying.

Bukod sa mga regular na programa sa telebisyon ay abala rin ang mamamahayag bilang isang negos­yante. May ilang sangay na ngayon ang Ka Tunying’s Café na negosyo nila ng asawang si Rossel Taberna. Mas bibigyang pansin muna raw ni Anthony ang negosyo bago pa asikasukin ang pagpasok sa pulitika.

Samantala, nagbigay ng reaksyon si Ka Tun­ying tungkol sa mga katulad niyang broadcaster na nagkakaroon ng interes na pasukin ang pulitika. “Nire­respeto ko ‘yon. Kung gusto nila sa gobyerno natin at maganda ‘yon dahil bentahe na sila at karamihan naman sa mga tumatakbo ay may experience na sa kung ano ba talaga ang problema ng ating kababayan at kung ano ang dapat gawin. I think it’s a plus for them and an X factor to succeed in political arena,” ma­ka­hulugang pahayag ni Ka Tunying.

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with