Aliwan Fiesta 2018 mas magniningning!
(Pilipino Star Ngayon) - April 25, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magtatanghal sina Gloc 9, Darren Espanto, TJ Monterde, Marc Carpio, Shanti Dope,  ang Mocha Babes, Go Girls, The Attitudes, at ang Ex-Battalion  sa iba’t ibang kaganapan sa Aliwan Fiesta na nakatakda ngayong ika-26 hanggang ika-28 ng Abril.

Tampok din sina Gloc 9 at ang The Attitudes sa awarding ceremonies kasunod ng grand parade at street dance showdown na magtatapos sa taunang kapistahan.  Sina TJ at Marc naman ang aawait sa pageant night, samantalang ang iba pang nabanggit ay magtatanghal sa pambungad na Pasakalye.

Ang Aliwan Fiesta 2018 ay handog ng Manila Broadcasting Company at Star City, sa pakikipagtulungan ng Cultural Center of the Philippines at ng mga lungsod ng Maynila at Pasay.  Suportado ito ng Pride Laundry Detergent, Unique Toothpaste, White Rose Kojic Whitening Soap, Smart Dishwashing Detergent, Tanduay, Globe, Dunkin Donuts, Tourism Promotions Board, Alaska, Columbia Canbies, Cherry Mobile, Symdex E, Fukuda, Nature Spring, AICS, Manila Bulletin, GES Lights, Steeltech, at Whiteflower Analgesic Balm.

Para sa karagdagang detalye mag-email sa siouxstar@gmail.com o tumawag sa  832.6125 / 555.3477.  Maari din tignan  ang official Facebook page ng Aliwan Fiesta o ang website sa  www.aliwanfiesta.com.ph

ALIWAN FIESTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with