^

PSN Showbiz

Kris sinahog sa Joshlia movie!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kris sinahog sa Joshlia movie!

“It feels great and wonderful, they’re super nice,” ang sagot ni Kris Aquino nang tanungin how she feels sa pagpirma niya ng movie contract sa Star Cinema. Present sa contract signing si Olivia Lamasan, Mana­ging Director ng Star Cinema at Erickson Raymundo, manager ni Kris sa movie projects.

Kasunod ng contract signing ang storycon ng movie na may title na I Love You, Hater to be directed by Giselle Andres. Sina Joshua Garcia at Julia Barretto ang bida sa movie at hindi sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na unang napabalita. Sa June 13, na ang playdate nito, ibig sabihin, magsisimula na ang shooting.

On her way to ABS-CBN at Star Cinema, ikinuwento ni Kris na ang suot niyang Chanel blazer ay binili niya one year and a half ago. Sinabi niyang hindi niya pa ito ginamit dahil inihanda niya iyon para sa special occasion at duma­ting na nga ang okasyon na ‘yun.

Suot din niya ang engagement ring ng mom niyang si former President Cory Aquino for good luck daw.

Hindi halata na madaling-araw na ng Biyernes sila dumating nina Bimby at Joshua na after ng TVC shoot sa Osaka, dumiretso sila sa Tokyo at doon nag-celebrate ng 11th birthday ni Bimby.

Jaclyn inungkat kung saan nabuo si Andi

Panalo ang pa-throwback Thursday ni Jaclyn Jose nang mag-post ng vi­deo clip ng old movie niyang Itanong Mo Sa Buwan at picture niyang naka-two-piece swimsuit na kuha pa rin sa the same movie. Ang payat ni Jaclyn at doon sa naka-two-piece siya ay maipagmamalaking may abs pa siya. Kaya pati sina Ben Alves at Tom Rodriguez na kasama niya sa The Cure ay napa-comment.

Sabi ni Jaclyn, isa sa favorite movie niya ang Itanong Mo Sa Buwan with Mark Gil at favorite rin ito ng marami dahil maganda na ang pelikula, magagaling pa ang cast.

Sa isa sa video clip from the said movie, nagpasalamat si Jaclyn kina Ricky Lee, William Pascual at Ed Instrella na nag-collaborate at tumulong sa kanya at nagpasalamat sa tiwala.

Pero ang mas napansin ay ang caption ni Jaclyn sa picture sey niya, “dito nabuo” dahil ang feeling ng mga nakabasa, ang ibig niyang sabihin ay sa nasabing pelikula nabuo si Andi Eigenmann.

Samantala, magpapamalas uli ng husay niya sa pag-arte si Jaclyn sa The Cure bilang si Dr. Evangelina Lazaro, head of the Research and Development Team at naka-discover ng experimental drug na gumawa ng nationwide epidemic. Siya ang sisisihin sa paglaganap ng Monkey Virus Di­sease o MVD sa bagong serye ng GMA 7.

BF ni Rhian tameme sa pagbibilad ng katawan

Nagpasabog na naman ng kaseksihan si­Rhian Ramos and this time, hindi sa eksena sa The One That Got Away kung hindi sa cover ng Metro magazine. Naka-one piece swimsuit si Rhian na labas na labas ang kanyang kaseksihan.

May rason ang sobrang hot na cover ni Rhian dahil body issue raw ‘yun ng magasin for April.

Nasa Japan si Rhian ngayon for a 10-day vacation with her family and boyfriend Jason Choachuy.

Patricia ligtas sa AlDub

Kasama na si Patricia Tumulak sa cast ng Contessa at dahil kasama siya ni Glaiza de Castro sa BTS sa taping ng afternoon prime ng GMA 7, ang hula namin, kakampi siya ni Contessa (Glaiza).

At least, hindi maba-bash si Patricia ng ilang AlDub fans na nag-akalang dahil pumirma siya ng kontrata sa GMA Artist Center, isasama siya sa tele­serye ni Alden Richards.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with