^

PSN Showbiz

Jennylyn ginagaya si Angelina Jolie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn ginagaya si Angelina Jolie

Kay direk Mark Reyes mismo namin itinanong kung ano ang specific mode ng The Cure. Ang sagot nito ay “epidemic drama,” pero ang GMA 7, gusto itong tawaging virus serye. Hopefully, sa pilot sa April 30, may napili ng official na tawag sa serye na manggugulat at mananakot sa primetime viewers.

Masaya si direk Mark na si Jennylyn ang napili to play Charity Salvador dahil ang aktres ang original choice niya.

“She was a candidate at siya ang gusto ko at sinabi ko ‘yun sa production. Why? Because she’s sexy, a good actress, physically fit at Lara Croft ang dating. I’m so glad she said yes. Dati na siyang nagti-training, but for The Cure, nag-training pa siya dahil marami siyang fight scene rito,” sabi ni direk Mark.

For a primetime series, parang konti ang cast ng The Cure dahil pala ito every week, may guest na big Kapuso stars pati mga bata. Hindi nagbanggit si direk Mark kung sino ang maggi-guests kaya abangan na lang daw at marami sila.

Magastos ang pagpoprodyus ng The Cure at ‘yung location sa Batangas na parang ruins ay pinasabog pala. Kaya kakaiba ang texture ng series dahil canon c300 Mark 2 ang camera na ginamit.

Isa pang kakaiba sa The Cure, wala itong theme song dahil ang feeling ni direk Mark, hindi bagay kung lalagyan ito ng theme song. Sa halip, may music siyang ginamit na mas bumagay at nagpaganda sa takbo ng story.

Aktor sinusulot ng talent manager sa kabarong TM

Sa reaction ng isang Talent Manager (TM) nang tanungin namin kung totoo ang tsikang nag-attempt ang isang talent manager na sulutin ang isa niyang talent, lumabas na totoo ang balita. Nanlaki kasi ang mga mata ni TM at kunwari’y ayaw marinig ang pangalan ng kapwa talent manager.

Sabi ni TM1, alam ni TM2 na aware siya sa ginawa nitong pakikipag-usap sa talent niya at kumbinsihing lumipat sa kanya. Ang talent na raw niya ang bahalang mag­desisyon kung aalis sa kanya at lilipat sa management ni TM2.

In fairness kay TM1, mula nang siya ang humawak sa ta­lent, sunud-sunod ang projects nito sa telebisyon at may mga movie offer. In other words, hindi ito nawalan ng proyekto mula nang lumapit sa kanya. Pero hindi pipigilan ni TM1 ang talent kung gustong lumipat kay TM2.

Tom ayaw makisawsaw sa nawalang pera ni Carla

Tama naman si Tom Rodriguez, wala siya sa posisyon na magsalita sa nawalang pera sa GF niyang si Carla Abellana kahit alam niya ang pangyayari. Si Carla na raw ang tanungin pati kung magkano ang malaking perang kinuha ng mga taong pinagkakatiwalaan ng aktres.

“Ang nagawa ko lang is to listen to her and give her support at sabi ko sa kanya, I’m just here for her at alam kong makakabangon din siya. It happened to me before at ang maganda, I was able to rise up. I know, makakabawi rin si Carla,” panini­gurado ni Tom.

Nabanggit din ni Tom na may gagawing soap si Carla pero dahil presscon niya ‘yun ng The Cure at ayaw niyang pangunahan ang girlfriend.

May taping kahapon si Tom sa The Cure, pero kahit pagod dahil sa Tuesday presscon, alam ni direk Mark Reyes na hindi mawawala ang pagka-hyper ng aktor sa taping.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

THE CURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with