Sharon tumangging pamanahan si KC?!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2018 - 12:00am

Gabby nagalit, umayaw sa pelikula

Ang mahal din palang maningil ni Gabby Concepcion ng talent fee.

At kahit daw kaibigan niya ha, naniningil ito at hindi presyong kaibigan.

Walang talent manager ang actor, booking agent lang, kaya naman nakakatanggap siya ng mga raket kaliwa’t kanan.

Kaya nga raw nagugulat na lang ang booking agent niya na si Popoy Caritativo dahil minsan ‘pag bibigyan ng assignment ang actor may nauna na diumanong natanggap ito.

May ilang talent manager naman daw na nagvo-volunteer i-handle si Gabby pero ayaw na raw ng actor. Mas gusto na diumano nitong siya na lang ang makipag-negotiate sa ibang mga raket.

Anyway, walang-wala na raw chance na matuloy ang movie nila ni Sharon Cuneta.

Nag-demand daw kasi si Gabby na ang maging talent fee nila ni Ms. Shawie ay maging inheritance fee na lang for KC, ang only daughter nila. Pero ayon sa source, diumano ay hindi pumayag si Sharon na ipamana na lang sa anak nila ng actor ang TF nila.

Kaya nang hindi raw pumayag si Sharon sa naturang agreement, sinabi ng actor na ayaw na niya.

Naging issue ang pagkakaudlot ng pelikula ng dating mag-asawa nang mag-emote si Sharon sa social media na aborted na ang pelikula nila ni Gabby na Star Cinema sana ang producer.

Ang ikinatataka lang ng source, baka nga may something kina Sharon and KC now. Kasi maaalalang hindi binati ni Sharon ng ‘happy birthday’ si KC na nag-celebrate ito ng birthday last April 7. Baka nga raw na-hurt si KC sa ginawa ng mommy niya na hindi pagpayag na pamanahan siya.

Boyet at anak na naaksidente, maayos na ang lagay

Nagpasalamat na si Ms. Sandy Andolong de Leon sa prayers and concerns para kina Christopher de Leon at youngest daughter (Mica), na naoperahan dahil sa car accident.

Ilang araw ding na-ICU ang award winning actor dahil sa blood infection matapos aksidenteng tamaan ng baril sa taping ng Kambal Karibal (sa eksenang pa­patayin ni Marvin Agustin) at si Mica naman ay nabangga ang kotse na naoperahan din. “Thank you for all your prayers & concern. Wala na sa hospital si Christopher, he is more than ok already. All test results are normal. Our daughter is also doing well. All is well with, God! In any situation in our lives HE alone is in control. Thank you nay @akosilolitsolis for this post. Thank you @redgiemagno @ligoras & GMA network hindi nyo pinabayaan ang asawa ko,” ang statement ni Ms. Sandy nang mag-thank you siya kay Nay Lolit sa IG.

Nauna nang naoperahan ang actor dahil nga aksidenteng natamaan ang kanyang singit ng bala ng baril na dapat sana’y blank bullet.

Magpapahinga ng two months si Boyet sa trabaho.

GABBY CONCEPCION KC SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest