Javi naudlot ang hosting career, inuna ang dual course!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 17, 2018 - 12:00am

Congrats kay Javi Benitez, ang anak ni Congressman Albee Benitez na nagtapos ng dual course, Political Science and Computer Science, sa Sta. Clara University of California. Si Javi ang co-host ni Papa Albee noon sa 30-minute informative  docu-magazine program na Game Changer na dating napapanood sa ANC.

Short-lived ang hosting career ni Javi dahil ang pag-aaral sa Sta. Clara University ang kanyang naging priority  pero ngayong graduate na siya, puwedeng-puwede nang ipagpatuloy  niya ang naudlot na television career.

The Cure parang train to busan ang concept

Tonight na ang grand presscon ng The Cure, ang coming soon primetime teleserye ng GMA 7.

Starring sa The Cure sina Jennylyn Mercado, Tom Rodriguez, LJ Reyes at Mark Herras.

Ang The Cure ang ipapalit ng Kapuso Network sa Sherlock Jr.na malapit nang matapos.

Marami ang naiintriga sa teaser ng The Cure na ikinukumpara sa Train to Busan. Too early pa para ikumpara ang The Cure sa blockbuster Korean movie dahil puwedeng nagkapareho ang mga eksena pero sure na magkaibang-magkaiba ang kuwento bilang ipinagmamalaki ng Kapuso Network na original story ang teleserye nina Jennylyn at Tom.

Sex video ni Mark, binuhay lang

Co-stars nina Tom at Jennylyn sa The Cure si Mark Herras.
Kapag dumalo si Mark sa presscon ng The Cure, siguradong tatanungin siya ng entertainment writers tungkol sa alleged video scandal niya na kumalat sa Internet.

May tiwala ako kay Mark. Knowing him, kayang-kaya niya na sagutin ang mga intriguing question ng press.  Sa true lang, lumang isyu na ang diumano’y video scandal ni Mark na sinagot na nito noon pero muling binuhay kaya  hindi na siya affected.

May mga video scandal din sina Joross Gamboa, Chito Miranda, Carlos Morales at kung sinex-sinex pa pero hindi na pinag-uusapan.

Sa una lang naging maingay ang isyu pero kusang namatay. ‘Yun nga lang, forever nang nakalagay sa Internet ang mga video scandal dahil mahirap nang mabura ito.

Naalala ko tuloy ang kuwento tungkol sa aktres na nasangkot noon sa malaking eskandalo. Hindi pa uso noon ang Internet kaya ang akala ng aktres, mabubura sa isip ng mga tao ang kagagahan na ginawa niya.

Nagkamali ang aktres dahil biglang lumitaw sa Internet ang lahat ng detalye tungkol sa kaso na nakasira sa image at career niya. Hoping pa naman siya na mabubura sa Internet ang  balita pero ito ang unang bumubulaga kapag nag-search tungkol sa pangalan niya.

Nag-resurface din sa Internet ang video scandal ng isang bold star.

Malinaw na malinaw ang video kaya magmumukhang tanga ang bold star kapag nag-deny siya.

Besides, hindi shocking sa mga tao na may video scandal ang bold star dahil likas na salaula ang klase ng pamumuhay niya.

JAVI BENITEZ JENNYLYN MERCADO
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with