Jame at Paolo
James kinabahan ng husto kay Sarah ; Paolo napasama sa people who deserve an Oscar ; Mga negosyo ni James Yap, walang nagtatagal!
(Pilipino Star Ngayon) - April 16, 2018 - 12:00am

SEEN: Malapit nang umabot sa P100 million mark ang box office gross ng Never Not Love You, ang critically-acclaimed movie nina James Reid at Nadine Lustre.

SCENE: Tuwang-tuwa si Paolo Ballesteros dahil kasali siya sa listahan ng 10 People Who Deserve an Oscar for Best Makeup ng isang website dahil sa talent niya sa makeup transformation.

SEEN: Kabadong-kabado si James Reid bago siya sumalang sa This I5 Me concert ni Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum noong Sabado. Special guest si James sa 15th anniversary concert ni Sarah at ito naman ang featured performer sa Revolution concert nila ni Nadine Lustre noong February 9,2018.

SCENE: “Type” ng mga stand up comedian na sina Lassy Marquez at Chokoleit si Enzo Pineda, ang co-star nila sa Da One That Ghost Away. Sina Lassy at Chokoleit ang mga multo sa comedy horror movie ng Star Cinema na itatanghal sa mga sinehan sa April 18.

SEEN: Mga akyat-bahay gang na nagnanakaw at pumapatay ang role nina Patricia Javier at Lander Vera Perez sa Cry No Fear, ang launching movie ng Internet sensation na si Donnalyn Bartolome sa Viva Films.

SCENE: Nasaktan ang boxing coach na si Freddie Roach nang palitan siya ni Senator Manny Pacquiao bilang trainer sa laban ng Pambansang Kamao sa Argentinian boxer na si Lucas Matthysse sa Malaysia sa July 2018. #SomeGoodThingsNeverLast.

SEEN: Ang balita na hindi nawawala ang pagiging selosa ng Italian girlfriend ni James Yap na si Michela Cazzola dahil pinagseselosan pa rin nito ang female fans ng ex-husband ni Kris Aquino.

SCENE: Hindi masuwerte si James Yap sa mga negosyo na ipinupundar niya dahil hindi ito nagtatagal. Dapat maging wise si James sa pagpili ng negosyo dahil hindi pangmatagalan ang basketball career niya.

JAMES REID PAOLO BALLESTEROS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with