Magandang aktres matagal bago nauntog SA pambubugbog ng asawa!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - April 15, 2018 - 12:00am

Mabuti naman at nauntog din ng malakas ang isang female personality na dekada ang ipinagtiis sa piling ng kanyang karelasyon. Martyr na nga ang tawag sa babaeng ito ng kanyang mga kaibigan at kasabayan sa showbiz.

?Maraming taon ang tiniis niya huwag lang masira ang pagsasama nila ng isang male personality na sikat sa larangan nito. Palagi siyang bugbog-sarado, sinasaktan na siya nito nang pisikal ay sangkatutak na problema pa ang iniaakyat sa kanilang bahay, maraming nakahinga nang maluwag nang tuluyan na niyang hiwalayan ang lalaki.

?Ngayon ay muli nang nakikipaglaban sa buhay ang female personality na mula sa isang malaking pamilya ng mga artista. Wala siyang sinasayang na panahon, nagsisikap siya, dahil nag-aaral pa ang kanilang mga anak ng hiniwalayan niyang mister.

?Kuwento ng aming source, “Matagal bago natanggap ni ____(pangalan ng magandang aktres) na tapos na talaga ang relasyon nilang mag-asawa. Hanggang makakaya kasi niyang maisalba ang relasyon nila, e, gagawin niya, gusto niyang buo sila para sa mga anak nila.

?“Pero sobra na kasi ang nangyayari, siya lang naman ang nagsasalba sa relasyon nila, hindi pa rin tumino ang mister niya na mas gustong kasama ang mga kabarkada niya dahil sa bisyong kinahiligan niya.

?“Puro bisyo ang inatupag ng husband niya, nagbibisyo na nga, sinasaktan pa siya, kaya nagpakatapang na siyang humiwalay. Maganda naman dahil ang mga kapamilya niya, e, sumuporta sa kanilang mag-iina.

?“Naka-move on na siya, meron na siyang maayos na trabaho ngayon, samantalang ang husband niya, e, puro pagbibisyo pa rin ang inaatupag! Di nga ba, nahe-headline pa nga sa mga tabloids ang kinasasangkutang mga isyu ng husband niya?” positibong kuwento ng aming impormante.

?Sinagad ng lalaki ang napakahabang pasensiya ng female personality, sinusundo na nga siya ng kanyang ama para humiwalay na sa kanyang mister, pero nanindigan pa rin ang babaeng personalidad na magbabago ang kanyang asawa.

?“Pero naputol din ang pisi ng pasensiya niya, instead na magbago ang lalaki, mas lumala pa! Sinayang ng lalaking ‘yun ang popularity na hinawakan niya rin nang mahabang panahon.

?“Parang bola ang buhay ngayon ng lalaki, patalbug-talbog, walang direction, napag-iwanan na siya ng mga kakontemporaryo niya,” pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Kris nabuko na naman ang pagiging matapobre!

Tama rin naman ang obserbasyon at opinyon ng marami nating kababayan na sana’y hindi na lang pinatulan ni Kris Aquino ang isang kababayan nating OFW na nagtangkang manligaw sa kanya.

?Sana’y hindi na lang niya binigyan ng panahon ang lalaking nambobola sa kanya, dinedma na lang sana niya, tutal naman ay madalas niyang sabihin na silence is the best answer to a fool.

?Pero mukhang nainsulto kasi si Kris, kaya ang naging sagot niya na dahilan ngayon ng pamba-bash sa kanya, too smart and too pretty raw siya para patulan ang pambobola ng OFW.

?‘Yun na! Nabuhay uli ang dugo ng kanyang mga bashers, nasaan daw ang paglalarawan niyang pretty siya, samantalang kapag wala nga siyang make-up ay hindi siya nakikilala?

?At paano raw masasabi ni Kris na too smart siya para pumatol sa lalaki, samantalang siya mismo ang nagbubuyangyang sa publiko kung paano siya nabola ng mga lalaking nauugnay sa kanya, nasaan daw ang pagiging too smart du’n?

?Maraming naangasan at nayabangan sa aktres-TV host sa naging sagot niya sa lalaki, lumulutang pa rin daw ang panunukat ni Kris sa estado ng kanyang kapwa, porke raw ba OFW ang nagtangkang manligaw sa kanya ay ganu’n na ang postura niya?

?Sabi pa ng isang netizen, “Porke ba ipinanganak siyang mayaman, porke ba kilala sa alta sosyedad ang family nila, e, wala nang karapatang manligaw sa kanya ang isang manggagawang Pinoy?

?“Hanggang ngayon talaga, e, napakayabang pa rin ni Kris, nagbabait-baitan lang siya kapag nasumpungan niya, pero matapobre pa rin siya!”

?Araguy!

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with