Anne
Anne Forever nang Kapamilya
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 14, 2018 - 12:00am

Masayang-masaya si Anne Curtis dahil muli siyang pumirma ng exclusive contract sa ABS-CBN kamakailan. Para sa aktres ay hindi siya magsasawang pagbutihin ang trabaho sa bakuran ng Kapamilya network. “Thank you so much. So I’m very, very happy of course to be with ABS-CBN for another long time. I really feel like this is a life long commitment. It truly is a very happy time of the year. I feel very happy and blessed,” nakangiting bungad ni Anne.

Mahigit isang dekada nang Kapamilya ang TV host-actress kaya sobrang excited na sa mga bagong gagawing proyekto. “Oh my gosh! Hindi ko na nabilang, I think mga 12 (years) na siguro ako. Grabe, I’m not sure about series because nawawala ako sa Showtime kapag may teleserye ako. So medyo bawal kami um-absent sa Showtime, pero movies for sure. Katatapos ko lang ng Sid and Aya: Not A Love Story with Dingdong (Dantes). Then I have an upcoming film with Yam Llaranas. ‘Yung Buy Bust hindi ko pa alam kasi nasa kamay nang mga distributors na nag-pick up, so waiting na lang kami,” pagbabahagi ni Anne.

Ryza maraming gustong makatrabaho!

Kapamilya na rin si Ryza Cenon na mahigit isang dekada nang artista mula sa GMA. Noong Huwebes ay pumirma na ng kontrata ang dalaga sa ABS-CBN. Malaki ang pasasalamat ni Ryza dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya sa Kapamilya network. “Sobrang grateful ako na binigyan ako ng opportunity ng ABS-CBN at sobrang init nang pagtanggap nila sa akin dito,” pahayag ni Ryza.

Noon pa raw pinapangarap ng aktres na makalipat ng TV network dahil sa ilang mga bagay. “Gusto ko kasing ma-explore pa lahat. Gusto ko pang makatrabaho ‘yung iba pang artista na magagaling at ‘yung may matutunan sa kanila. Actually, nag-decide nito ay Viva for me kasi sila ‘yung manager ko eh. Before naman ako umalis, nagpaalam naman ako sa kanila and thankful din ako sa GMA. Kasi sila rin naman nagpakilala sa akin as Ryza Cenon at nagpapasalamat din ako sa kanila dahil naiintindihan nila ako,” paliwanag ni Ryza. Mapapabilang ang aktres sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin kaya nakararamdam na ngayon pa lamang ng kaba si Ryza. “Excited na kinakabahan kasi siyempre hindi naman pwedeng wala lang ‘yung gagawin mo do’n. So kailangan lahat ng best mo doon kailangang ibigay,” pagtatapos ng aktres.

ANNE CURTIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with