Mark long hair at nagmi-make up na!
Mark
Mark long hair at nagmi-make up na!
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2018 - 12:00am

Long hair at nagmi-make up na si Mark Bautista.

‘Yup, kahapon ay inilantad niya ang kanyang bagong look. Mukhang may nilulutong proyekto para kay Mark.

Maraming natuwa pero mas marami ang naloka sa hitsura niya. May tumawag ng bayot, babae po ako, girl na girl, tarzan, lion king at marami pang iba.

Hindi binuko ni Mark kung para saan ‘yun.

Bukod sa new look photo, may Instagram story din siya na nilalagyan ng make up.

Good luck Mark.  Go lang kung saan ka masaya.

Nagladlad ng tunay na kasarian si Mark sa pamamagitan ng isang libro kung saan sinabi niyang isa siyang bisexual (a person who is sexually attracted to both men and women.)

Nauna nga lang umamin noon si Mocha na isa rin siyang bisexual na hindi niya itinanggi sa interview sa kanya ni tito Boy Abunda recently. “I like guys, I like girls, so I’m bisexual,” ang sabi nun sa interview sa ABS-CBN.com ng Presidential Communications Assistant Secretary Mocha.

Derek nagpasalamat sa anim na taon sa TV5

Tuluyan na palang nagbabu sa TV5 si Derek Ramsay. Kahapon ay nagpa-thank you na siya sa TV5.

Matagal na actually na pinag-uusapan ang pag-goodbye ng actor sa TV5 kung saan sinasabing babalik nga raw ito ng Kapamilya Network.

 “Thank you TV5 for 6 great years. Thank you for trusting and believing in me. The projects and memories here will always be che­rished. You always made me feel that i am truly family. Wishing you all the best in your new direction for the network. Kidlat signing out for now. Love you all,” ang mensahe ni Derek sa kanyang Instagram account.

Kabilang sa mga naging prog­ra­ma ng actor sa TV5 ang Ama­zing Race, Underco­ver, Mac & Chiz, For Love Or Money, at Extreme Series: Kaya Mo Ba ‘To?

Marian sinagot ang isyung pagbubuntis

Uy hindi nakabuo ang mag-asawang Dingdong Dantes and Marian Rivera sa kanilang European vacation kamakailan.

May mga na-speculate kasi na preggy ang actress dahil nga nagpaputol siya ng buhok. Kaya naman nag-post si Nay Lolit Solis sa kanyang Instagram account asking na baka nga. Pero sumagot si YanYan. “Hahahahha nanay talaga!#PrayingForIt sana nga nanay (Lolit) soon.”

At least klaro na sa fans na talagang praying ang hoping na masusundan na si Zia, ang kanilang super cute na baby girl.

Manliligaw noon nina Erich at Ella, inireklamo ng panggagantso ng milyun-milyon

Buti na lang at ‘nakaligtas’ sina Ella Cruz at Erich Gonzales ng isang nagpakilalang negosyante noon na si Xian Gaza.

Wanted diumano ito sa kasalukuyan dahil sa panggagantso ng datung sa dalawang babaeng lumapit sa Lingkod Kapamilya ng DZMM.

In all fairness, umingay ang pangalan nitong si Mr. Gaza nang mag-up siya ng isang billboard somewhere ni Morayta para alukin ng coffee date si Erich. Buti na lang hindi siyang pinatulan ng Kapamilya actress, or else nagamit sana siya for publicity. Super trending ‘yun at pinagdudahan lang ang kanyang sincerity nang i-share niya nang i-share sa kanyang Facebook account ang mga article tungkol sa alok niyang coffee sa actress.

Si Ella naman ay balitang pinangakuan ng iba’t ibang negosyo ang pamilya nito pero pawang nabulilyaso.

Ang pakilala niya noon ay big time businessman.

Anyway, nanghingi ng tulong sa DZMM ang umano’y nabiktima nitong sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz kung saan natangayan daw sila ng milyun-milyon matapos silang pangakuan na negos­yong coffeeshop.

May dalawang warrant of arrest na umano si Mr. Gaza mula sa Branch 26 at Branch 120 ng Malabon Metropolitan Trial Court para sa kasong Anti-Bouncing Checks Law.

MARK BAUTISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with