Michela at James
Bimby magiging kuya na uli!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2018 - 12:00am

Magiging kuya na naman si Bimby Aquino Yap dahil buntis uli ang Italian girlfriend ng kanyang tatay na si James Yap. Bale tatlo na ang magi­ging kapatid ni Bimby sa fatherside dahil may anak din si James sa girlfriend nito na nauna kay Kris Aquino.

Lalake ang panganay ni James at ng kanyang dyowa. Lalake rin ang anak nila ni Kris kaya mas okey kung babae ang second baby nila ng girlfriend niya.

Dahil madaragdagan na ang miyembro ng pamilya ni James, kailan niya pakakasalan ang kanyang girlfriend ang next question ng fans.

Kris nakatutok sa bagong korona!

Matagal nang naka-move on si Kris Aquino kaya naniniwala ako na hindi big deal sa kanya ang balita na magiging tatay uli ang ex-husband niya.

Knowing Kris, nakatuon ang atensyon nito sa kanyang mga negosyo at sa bagong title niya bilang Queen of Digital Infotainment dahil certified social media icon na siya.

Kahit walang regular television show si Kris, active siya sa kanyang online channel na marami nang followers dahil sa open book lifestyle niya.

Noong December 2017, nagkaroon ng partnership si Kris at ang PLDT Home, ang leader sa digital services. Siya rin ang kinuha na celebrity ambassador ng PLDT Home.

Ipinagkatiwala ni Kris sa PLDT ang opportunity na ipakita ang bagong bahay sa Quezon City na ipinagawa niya at tahanan nila ngayon ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby.

Hindi lamang ang kabuuan ng bahay ang napanood sa virtual tour sa bahay ni Kris dahil ipinagmalaki nito na powered by PLDT ang kanyang digitally powered and connected home.

Ikinuwento ni Kris na ang BTS ang kanyang favorite Korean pop group at pinanonood niya ang mga concert ng BTS Roku Powered TVolution, ang all-in-one entertainment box ng PLDT Home.

Umabot na sa 14 million ang views sa virtual tour sa bahay ni Kris at isa ito sa most viewed sa official page ni Kris.

Aktres na naiinip nang magka-baby, bababu na sa TV

Nahihirapan ang aktres na magbuntis kaya iniisip niya na mag-babu sa regular show niya sa TV para mag-focus sa pagbuo ng pamilya.

Ang magkaroon ng anak ang matagal nang pangarap ng aktres at ng asawa niya pero hindi pa sila binibiyayaan ng supling.

Handa ang aktres na magpaalam sa regular television show niya, kapalit ang pagbubuntis.

Naiinip na sila ng kanyang asawa dahil matagal na panahon na ang nakalilipas mula nang magpakasal sila. Anak na lang ang kulang sa kanilang peaceful at maligaya na pagsasama.

Prince at BF pinag-iipunan ang concert ni Mariah

Si Prince Stefan at ang kanyang boyfriend ang kabilang sa mga natuwa nang malaman nila na magkakaroon ng concert sa Pilipinas sa October 2018 ang American singer na si Mariah Carey.

May kinalaman pala si Mariah kaya nagkaroon ng relasyon si Prince at ang boyfriend nito.

Parehong idol ng dalawa si Mariah at  ang feeling nila, super compatible sila dahil iisang singer ang kanilang hinahangaan.

Mag-expect tayo na ngayon pa lang, pinaghahandaan at pinag-iipunan na ng mag-dyowa ang concert ni Mariah dahil big event ito para sa kanila.

Hindi nag-iisa si Prince dahil maraming Pinoy celebrities ang excited sa pagbabalik ni Mariah sa Pilipinas. Hindi sila affected ng mga balita na sintunado na ang boses at hirap nang bumirit sa pagkanta si Mariah.

JAMES YAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with