^

PSN Showbiz

Joshua at Julia mahina ang relasyon!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Joshua at Julia mahina ang relasyon!

JoshLia

Mukhang inihahanda na ng maraming  product manufacturer ang napipintong paghihiwalay ng JoshLia loveteam kung kaya mapapansin na nagkakanya-kanya na ng endorsements sina Julia Barretto at Joshua Garcia.  

Huwag kayong ganyan, JoshLia. Huwag n’yong saya­ngin ang  magandang pagkakataon na dumarating sa inyo. Baka magtampo ito at hindi na bumalik. Ang bilis n’yo namang maapektuhan ng isang pangyayari na karaniwang sumisira sa isang relasyon. Ibig sabihin lang, hindi n’yo pa napapatatag ang inyong relasyon.

Mga bata pa kayo, seek advice from  people around you, mga taong mahal at pinagkakatiwalaan n’yo. Obvious na hindi n’yo pa kayang humawak ng isang relasyon. Enjoy life, your youth, huwag masyadong seryoso.

Kung totoo man o hindi ang mga naglalabasang balita tungkol kay Joshua, tama lang na dedmahin niya ito at mag-usap na lang sila ni Julia.

Wilma naghahanda na sa kasal!

Isa sa may pinakamatagumpay na lovelife sa mga artista natin ang komedyanteng si Wilma Doesnt. Kasama siya sa pelikulang humahatak ngayon sa takilya na My Perfect You nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach. Nakaka-11 years na ang pagsasama nila at malugod siyang tinanggap nito sa kabila ng pagkakaroon niya ng tatlong anak sa tatlong magkakaibang lalaki. Hindi pa sila kasal, pero tulad ng pangako niyang hindi siya mamamatay na mahirap, magkakaron din sila ng kahit isang simpleng wedding ng kanyang partner. 

Hindi ikinahihiya ni Wilma na sabihin na mula siya sa mahirap na pamilya.

Itiunuturing niyang isang achievement ang panalo niya bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang Sisterakas.  Wala siyang kinuhang workshop at nagsusumikap lang and it seems nagbubunga na ito ng maganda dahil saang anggulo mo man siya tinggan, komedyante siya.

Andre at Kobe gwardyado ng ama

Sa isang interview, naikuwento ni Andre Paras na malaki ang suportang natatanggap nila ng kapatid na si Kobe Paras mula sa amang si Benjie Paras kahit na magkaiba ang career nila. Mas focused si Andre sa pag-arte, samantalang basketball naman ang tinututukan ng kapatid na si Kobe.

Ayon sa Sherlock Jr. star, kapag nahihirapan daw sila ay laging nandyan ang ama para ipaalala sa kanila na “it’s just a bad day, not a bad career,” at ini-encourage sila na ibaling ang atensyon sa mas positibong bagay.

Kaya naman, lagi raw motivated si Andre to work harder lalo na sa mga bagay na passionate siya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with