Hunk actor sa farm ng kababata naglaladlad tuwing Semana Santa
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - March 23, 2018 - 12:00am

Semana Santa na naman. May naaalala na naman ang mga miron sa showbiz tungkol sa isang hunk actor na ilang taon na ang nakararaan, kapag ganitong Mahal Na Araw, ay may paboritong pagbakasyunan.

Mula sa mahigpit niyang schedule sa pagtatrabaho araw-araw ay dapat lang namang regaluhan ng hunk actor ng masarap na pahinga ang kanyang sarili. Walang trabaho ang mga network kapag Semana Santa, nangingilin sila, kaya may panahong makapagbakasyon ang mga kontratado nilang artista.

Pero ang hunk actor na tinutukoy ng mga miron ay hindi nagbabakasyon sa mga kilalang resort, ayaw niya sa matataong lugar, pribadong lugar ang pinipili niyang pagbakasyunan.

Napakapribado talaga ng kanyang destinasyon, isang malawak na bukirin ‘yun na pag-aari ng isang taong malapit sa kanyang puso, kanilang-kanila ang mundo kapag magkasama silang dalawa.

Kuwento ng aming source, “Very special kasi sa kanya ang anak ng owner ng farm. Mga bagets pa sila, nasa high school pa lang, e, sobrang close na sila. Kahit nu’ng mag-artista na siya, e, hindi pa rin sila nagkakahiwalay, basta may free time siya, nagpupunta siya sa farm na ‘yun para makasama nang ilang araw ang kanyang very close friend.

“Ganu’n na ganu’n! Kesehodang may mga girls na nali-link kay hunk actor, e, waley ‘yun! Nakikisakay lang siya, dahil alam niya sa sarili niya na may very special guy na may-ari ng puso niya,” medyo kinikilig pang kuwento ng aming impormante.

Tago man sa publiko ang kanilang pagiging sobrang close ay hindi pa rin ‘yun maitatago sa mga tauhan sa farm ng very close friend ng hunk actor. Natural, nagtataka ang mga ito, kung bakit palaging nandu’n sa kanilang bukirin ang kilalang hunk actor.

“Aysus, maitatago ba naman nila ‘yun sa mga nagsisilbi sa kanila sa farm? E, matagal nang kinukuwestiyon ang gender ng hunk actor na ‘yun, ‘di ba? Bakit madalas siyang nandu’n?

“Bakit instead na magpunta siya sa mga resort, e, mas gusto niyang nandu’n lang sa farm ng very close niyang kaibigan? Para makapagpahinga siyang mabuti? Para walang mga fans na nagpaparetrato sa kanya?

“Waley! Walang bibili sa ganu’ng reason niya, wala! Ilang taon na niyang ginagawa ang ganyan, sino pa ang maniniwala sa kanya? Kahilig pa namang makisawsaw ng hunk actor na ‘yun sa political issues, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jessy pinapapatay agad kay Coco!

Nakakailang gabi pa lang sa Ang Pro­binsyano ni Jessy Mendiola ay nine­nega na ang dalaga. Sana raw ay ibang aktres na lang ang kinuha ng serye para gumanap sa papel ng nurse at hindi na lang ang girlfriend ni Luis Manzano.

Napakalakas ng loob na sabihin ng mga bashers ng dalaga na malas siya, baka raw dapuan ng kamalasan ang palabas nang dahil sa kanya, kaya patayin daw sana agad sa serye si Jessy Mendiola.

Kung rating ang inaalala ng mga nangnenega kay Jessy ay wala nang magagawa ang ganu’ng katwiran, mula nang ipanganak ang Ang Probinsyano ay hawak na ng serye ang pinakamataas na numero, kaya hindi makakaapekto ang pagpasok ng dalaga sa serye para mabawasan ang ra­ting ng pinagbibidahang palabas ni Coco Martin.

Napanood na namin ang unang gabi ni Jessy sa matagumpay na serye, okey naman ang kanyang rehistro, mukhang siya ang makapagbabawas sa kalungkutan ni Ricardo Dalisay dahil sa pakikipagrelasyon ni Alyanna (Yassi Pressman) kay JC Santos.

At buhay na buhay si Romulo Dumaguit (Lito Lapid), ang dating pinuno ng Pulang Araw na kasama na ni Cardo ngayon sa laban, naging malaking diskusyon para sa manonood kung buhay pa ba o patay na si Romulo nang pagbabarilin ni John Arcilla (Hipolito).

Sabi ni prop, “Ako, alam ko nang buhay pa si Romulo kahit pa binistay na siya ng bala ng napa­kasarap sunugin na si John Arcilla. May misyon pa sila, kailangan pang mamatay ni Alakdan (Jhong Hilario).

“Lilipulin muna ang masasama bago mamatay si Dumaguit, kaya ayan, buhay na buhay pa rin siya kahit pa ilang bala na ang pinakain sa kanya ni Hipolito!” humahalakhak na komento ni prop.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with