Marian tinutukan ang pagdidirek ni Dingdong

May ipinost si Marian Rivera sa IG story na photo nila nina Dingdong Dantes, Michael Angelo, at Sanya Lopez na obviously ay kuha sa taping at may caption na “With direk dong! Naksss...”

Sa isa pang photo, makikita ang clapperboard kung saan nakasulat ang title na Lagas Na Talutot at ang nakalagay na pangalan ng director ay si Dingdong Dantes.

Makikita naman sa isa pang photo si Dingdong na may hawak na microphone at maririnig na sinabing “action”. Sa last photo ay nasa control room si Dingdong at mababasa na para sa Holy Week Special ng GMA 7 ang idinerehe nito.

Samantala, ilang araw mami-miss nina Dingdong at Marian ang isa’t isa dahil lilipad pa-New Jersey sa April 7 at Toronto sa Apr. 8 ang aktor kasama sina Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Alden Richards, Betong Sumaya, at Dennis Trillo para sa Sikat Ka Kapuso.

Fans nina James at Nadine

nag-pramis na pipila kahit Mahal Na Araw

Tutok muna ang JaDine fans nina James Reid at Nadine Lustre sa music video ng dalawa na mapapanood sa YouTube Channel ng Viva Records dahil sa March 31, pa ang showing ng Viva Films movie na Never Not Love You. Sa rami ng JaDine fans, siguradong mataas agad ang hits ng music video na sa napanood namin.

Hinanap talaga namin ang mga tattoo ni Nadine dahil sa Never Not Love You, tattoo artist si James at may eksenang nilalagyan niya ng tattoo si Nadine.

Nangako ang JaDine fans na kahit sa Black Saturday ang start ng showing ng movie ni direk Tonet Jadaone ay panonoorin nila ito. Umaga pa lang daw ng Sabado ay pipila na sila sa mga sinehan.

Jak feeling action star na

Masaya si Jak Roberto sa role niya sa Contessa na Criminology student at marami siyang action scenes. Katuparan daw ito ng dream niyang maging action star at sa simula pa lang ng eksena niya ay nakipagbugbugan na siya.

“Action star ako rito at ang sarap makipagbugbugan. Challenge sa akin ang mga action scenes ko, may choreography naman, itinuturo ng fight director para hindi kami magkamali at hindi magkasakitan. Enjoy din ako sa mga eksenang nakikipagbarilan ako. Basta, masaya ako sa role ko rito sa Contessa,” sabi ni Jak.

Pasalamat si Jak na nagti-training na siya ng boxing at Muay Thai bago pa gawin ang Contessa.

Mamaya na ang simula ng airing ng Contessa after ng Eat Bulaga at mapapanood ang Afternoon Prime Monday to Saturday sa GMA 7.

Ruru mabenta sa mga bading!

Ang daming napapa-wow sa ganda ng katawan ni Ruru Madrid lalo na ang mga beki na hindi mapigilang humanga sa katawan niyang namumutok ang muscles. May nag-comment tuloy na dapat action series pa rin ang gawin ni Ruru after ng Sherlock Jr., dahil sayang ang body nito.

O, kaya’y sexy series daw para mag-topless si Ruru at makita nila ang abs nito. O, ‘di ba, nauna na ang fans na magplano ng next project ni Ruru.

Show comments