^

PSN Showbiz

Pia naglabas ng puwet sa libro!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Pia naglabas ng puwet sa libro!

Pia

SEEN: Ngayong gabi ang coronation ng 55th Emerald edition ng Bb. Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum. Apatnapu ang official candidates ng Bb. Pilipinas 2018 at karamihan sa kanila ay sumali na sa ibang mga national pageant.

SCENE: Sina Pia Wurtzbach at Richard Gutierrez ang mga host ng coronation night ng Bb. Pilipinas 2018. Asahan ang maraming beses na pagpapalit ni Pia ng mga gown tulad nang ginawa niya sa 54th edition ng Bb. Pilipinas noong April 30, 2017.

SEEN: Mas napansin at pinupuri ang no make up look ni Pia Wurtzbach sa mga eksena nito sa My Perfect You kesa sa acting niya.

SCENE: Mahal na mahal ng mga camera si Gerald Anderson na walang bad angle sa lahat ng mga eksena niya sa My Perfect You.

SEEN: Binigyan ng importansya sa coffee table book ng 25th anniversary ng Star Magic ang former contract artists na sina Paolo Contis, Se­rena Dalrymple, Claudine Barretto, Pia at Megan Young. Mabibili sa mga bookstore sa halagang P899 at P2,800 ang 25th Star Magic coffee table book.

SCENE: Malaking bagay na mga international beauty queen sina Pia at Megan kaya nakasama sila sa coffee table book ng 25th year ng Star Magic. Halos ipakita ni Pia ang kalahati ng pisngi ng kanyang puwet sa litrato niya na ginamit sa 25th Star Magic.

SEEN: Kontrabidang-kontrabida si Gina Alajar sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka ng GMA 7 kaya kinasusuklaman siya ng televiewers na nasanay nang napapanood sa mga martyr role ang multi-awarded actress.

SCENE: Ang denial ni Angeli Pangilinan-Valenciano na may bayad ang pagrampa ng kanyang anak na si Kiana Valenciano sa hindi natuloy na fashion show sa LA Fashion Week sa Los Angeles, California. Sinabi ni Angeli na libre ang participation ni Kiana dahil kaibigan niya si Jacob Meir, ang founder ng Stars Fashion House, ang US agent ng Pinoy fashion designer na si Rocky Gathercole.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with